Epilogue

3.7K 133 28
                                    


Nandito ako sa may waiting shed sa labas ng building ng company namin. It's been an exhausting and busy day for me. Nakaka-drain, gusto ko nang magpahinga at mag binge-watch ng BL drama sa condo.

Kaninang-kanina pa ako nag-aantay ng taxi na dumaan pero wala pa rin. At kung meron man, palagi naman akong nauunahan. Ayoko namang mag grab.

I sigh at napatingin ako sa orasan. It's already 6pm. Nag-ot kasi ako dahil bukod sa dagdag sweldo ay, napagalitan pa ako ng boss namin dahil sa dami ng typographical errors na nakalusot sa manuscript ko. Actually, part time ko lang itong trabaho na 'to. Hindi kasi sapat ang kinikita ko sa pagtuturo ng Math subject sa college. Kaya naman naghanap pa ako ng panibagong trabaho na swak sa kagustuhan ko.

Maya-maya ay nakakita na uli ako ng panibagong taxi na padaan.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at lumapit ako sa may highway.

"Taxi!" Sigaw ko at kumaway ako sa taxi na padaan.

At, sa kasamaang palad -- may nauna na naman sa akin. Isang senior citizen na may kasamang isang person with disability.

Napatingin sa akin si lola at nagbago bigla ang expression ng mukha niya.

"Naku, pasensya na iho. Mukhang kanina ka paghihintay. Sige mauna ka na." Sabi ni lola.

Agad akong umiling, "Naku hindi ho. Ayos lang po. Mauna na po kayo. Hehe," sabi ko at nginitian ko sila. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo ko sa waiting shed.

No choice ako. Alangan namang unahan ko pa sila, diba? Mas kailangan nila 'yun. Ibinigay ko na dahil ayun ang dapat kong gawin.

I heaved a sigh. Mukhang magb-bus na naman ako at dalawang jeep. Nakakahilo pa naman sa bus.

Maya-maya ay may dumaan sa harapan kong magjowa. Isang baklang crossdresser at isang poging lalaki.

Napafocus ako ng tingin dun sa bakla. He seems familiar.

It's a very very very familiar face. Nakita ko na ba siya somewhere?

Nagtagpo ang tingin namin nung bakla. Nagulat ako nang bigla siyang mag-gasp nang makita niya ako.

"Uy! Ikaw si liit! Si pandak! Wait, saan nga ba ulit kita na-sight?" sabi nya at nag-isip siya saglit, "sa jeep! Two times! My gosh, how can I forget your small face?"

"Sino ka?" Maang-maangan kong tanong sa kanya.

He smiled sweetlt at me, "I'm Sharlot, the most beautiful gay here in the world.. And you are?"

"He's my baby cute sugar pie dunkin donut," Biglang singit ng isang lalaki sa usapan.

Napatingin ako dun sa lalaki at hindi na ako nasurpresa nang makita ko ang pagmumukha ni Vincent.

"And who are you?" Tanong ni bakla kay Vincent.

Umakbay si Vincent sa akin then he showed his playful smile, "Hulaan mo." sabi niya.

Napaisip si ate gay. "Uhm, Vicente?"

Umiling si Vincent, "Nope."

"Paulito?"

"Nope,"

"Wait ahm, sirit na." Sabi nito.

Tinitigan ni Vincent si bakla. Unti-unti niya itong nilapitan hanggang sa magkalapit ang mga mukha nila.

I looked at his boyfriend, but just caught him staring at me at agad niya rin itong iniwas.

Anong klasi siyang jowa?

"Ako si..." Sabi ni Vincent at nilapit pa niya lalo ang mukha niya kay ate gay.

I looked at ate gay. Ang priceless ng reaction niya. Then suddenly, inilayo na rin ni Vincent ang mukha niya kay ate gay at tumingin siya sa akin. Nilapitan niya ako, then he held my hand.

"Secret," he said.

---




WAKAS.











---

THANK YOU MESSAGE NG JEJENG AUTHOR

Aaaaaaand that's it guys. Maraming maraming salamat sa mga nagbasa at sumuporta sa book na 'to hanggang dulo! Promise, hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ngayong tapos ko na siya. I can't define the feeling. But I'm sure, I am more than genuinely happy. Kasi kahit ang tagal ko mag-update, may mga loyal pa rin na nagvo-vote dito. Alam kong alam ninyo kung sinu-sino kayo and I want to send you all my virtual hugs.

Wag na kayong maguluhan, guys! The story may be that confusing in the middle but I made sure to clear those out in the end. I hope na nalinis ko ng maayos ang kung anumang bugs sa story na 'to. (Bugs talaga? IT? IT?) Haha!

Anyways, sobrang sobrang nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi kayo sumuko hanggang dulo. I am very overwhelmed and very grateful. Finally, natapos ko na ring i-revise itong napakajejeng His Deepest Secret. And how was it, guys? I wish I made you satisfied somehow. Thank you so much and love love lang!

Focus na ko sa Hinahanap-hanap kita. Yehey. 😂🤩

Sa mga magtatanong, ganyan talaga ako magprologue / epilogue guys. Maikli lang. Sorna. 😂


Jan 21, 2020 -- Thank you dito mga jeje! 😂

Jan 21, 2020 -- Thank you dito mga jeje! 😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 8, 2020

Thank you for the 100K mark, dear readers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you for the 100K mark, dear readers. 🥺

From jejeng author,
Kuya Y ❤️

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now