[6] Training

6K 269 18
                                    


K E N

Tumayo ako. Gusto kong umalis, tumakbo, pumunta malayong lugar, mag-teleport sa ibang bansa o lumubog sa lupa.

Pero nawalan ng energy ang tuhod ko. Parang hindi ako makagalaw.

At isa pa, wala na akong magagawa. Nangyari na eh.

"A-ahm, sorry, wait, kunin ko lang bag natin ah." Sabi ko at tumakbo na ako papunta sa kubo.

Stupid Ken. Bobito. Stupid stupid stupid.

Ayan ang napapala mo sa pakikipagbasaan mo! Sige, harot pa! Kelalandi nyo! Bukod sa basang basa na 'yang uniform mo, nanakaw pa first kiss mong gago ka!

Tangina!

Pagkarating ko sa kubo, instead na kunin ko ang mga gamit namin ay dahan dahan na lang akong napaupo sa sahig. Shet. Ano na? Pano na? Paano ko na haharapin si Paul nito?

Shet talaga. Parang gusto ko nang tumakas. Parang gusto ko na siyang iwanan dito.

Nang tuluyan nang mag sink-in sa utak ko ang mga nangyari at mahimasmasan ako, tumayo na rin ako. Kinuha ko sa bag ko 'yung PE t-shirt ko.

Nagpatuyo muna ako ng katawan ko at sinuot ko na 'yung PE uniform since ayun naman ang susunod kong subject. Last subject ko na rin 'yon this day.

Maya-maya, dumating na rin si Paul. Akala ko galit sya. But damn. He's smiling.

"Alis na tayo?" Sabi niya habang nakangiti.

Ok. Ako lang ba ang affected? Siya? Anong nararamdaman niya? At bakit naman ako nacu-curious? Punyeta ha.

Umiwas ako ng tingin.

"Uhm..oo. Pero pano ka?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Ayoko munang makipag-eye to eye sa kanya. Parang panghihinaan na naman ako ng tuhod.

"May extra shirt ako. Tara na," Sabi niya at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya.

Shet. Ano bang meron sa kanya? Baka nakashabu siya? O nakahithit ng katol? O kaya naman, nagustuhan nya?

Charot.

Baka ako ang naka-shabu. Mas justifiable 'yon.

Niligpit ko na rin yung gamit ko at nauna na akong tumayo. Binilisan ko na ang lakad ko.

"Hintayin mo naman ako," Sabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

Paglingon ko, nakatalikod siya sa akin at parang may pinupunasang something. Yung salamin pala. Sinuot na niya ito at sumunod na sa akin.

"May lakad, may lakad?" Sabi niya.

"W-wala naman, k-kaso, baka malate tayo sa next subject. Ikaw, ano bang next subject mo?" Tanong ko sa kanya.

"Basta." Sagot nya.

"What the, ano bang course mo?"

"Secret."

Sabi nya uli. Gusto kong umirap. Hindi na ako nagtanong. Naging awkward ang atmosphere habang naglalakad kami. Hanggang sa makabalik na kami sa university, awkward pa rin. O ako lang ang nakakaramdam?

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon