[7] Room

5.8K 274 9
                                    

K E N

Sabi ni sir, magpractice daw kami ng hiphop nung time niya. Hindi ako nagpractice.

Saulo ko na 'yung step ko. Ako lang naman mag-isa nag-aral non. Si Renz naman, ayun. Nagpapractice sila nung kapartner niya na lalaki rin. Ang galing nga nyang sumayaw e.

At si ano naman, bahala siya sa buhay niya. Ako pa mag-aaproach? Ano sya, sinu-swerte? Kutusan ko sya.

After nung PE class, since last subject na namin this day 'yon, uwian na. Habang nililigpit ko 'yung gamit ko, napansin ko si Renz na aali-aligid sa akin.

"What?" I asked him.

"Baka tumakas ka. Kilala kita, Ken. Haha," sabi nya.

Oo nga pala. Muntikan ko na ring makalimutan. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at hinarap ko siya.

"Ok na. Halika na." Sabi ko.

"Yun oh, let's go!"

Sabi niya at lumabas na kami ng room. Ang dami pa ngang tao sa labas. Ewan ko, may pila ata ng relief. Char.

"Ang gwapo ko talaga." Sabi nitong si Renz. Umiling-iling pa siya.

"Perks," he smiled at me. Napatingin naman ako sa paligid. Mga babae. Hinahabol nila ng tingin si Renz. May isa pang babae na tinulak nung mga kaibigan dahilan para mapayakap siya kay Renz.

"S-s-sorry,"

Sabi nung babae. Renz smiled. Nagtilian sila.

Seryoso? May katili-tili ba doon?

Nung makalagpas na kami dun sa part na maraming estudyante, nakahinga na ako ng maluwag. Para kasi kaming dumaan sa madilim na hallway.

Nang makarating na kami sa gym, binati agad si Renz ng mga ka team-mate niya.

Ako naman, umupo na ako. Medyo malayo sa kanila. Hindi ko na narinig ang usapan nila ng mga kalaro niya kasi nga, medyo malayo ako.

"Bakit nandiyan ka? Bantayan mo 'to." Sabi ni Renz at itinuro niya yung mga gamit nila ng mga teammate nya. Umirap ako.

"Oo nga Ken. Para may silbi ka naman," sabi naman ni Hux, ang gwapo pero basagulero at manyakis nilang ka-team.

Hindi na ako nagsalita at umupo na lang ako sa tinuturo ni Renz. Ayokong makipag-away dahil baka mahighblood ako lalo.

I heaved a small sigh.

~*~

"GO LAAABS! ILABAN MO 'YAN WOOOOH!" Sigaw ng mga kalog na babae na mga nanonood.

Teka, aware ba sila na training lang ito at hindi pa interschool? Makasigaw wagas. Sila silang magkakakampi lang din naman ang magkakalaban.

"VINCENT! VINCENT! VINCENT! WOOOOH!!!" Chant nung mga babae dun sa itaas.

Tiningnan ko si Vincent. Nasa kanya yung bola at shinoot niya ito sa ring nila. Nag-shoot ito at yeah, lumakas ang sigawan sa loob ng gymnasium.

May napapansin ako. Magkakampi si Renz at Vincent. Pero kung umakto sila, parang magkalaban. Kapag na kay Vincent, inaagaw ni Renz. Kapag na kay Renz naman, inaagaw ni Vincent. Mga shunga ba itong mga 'to? Ayaw ng support?

Kanina, nung second quarter muntikan na silang magsuntukan. Nadapa kasi si Vincent at ang sinisisi niya sa pagkakadapa niya si Renz. So, ayun. Nauwi sa sigawan, hanggang sa magtulakan.

Naawat rin naman kaagad. Kasi wala nga namang patutunguhan kung mag-aaway sila, diba? After all, magkakampi sila.

Natapos ang laro ng ahead sina Renz ng 2 points. Ang galing nga niya eh, tie dapat pero nung last five seconds, nagdunk siya at naging successful naman.

His Deepest Secret ☑️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin