[28] Do

3K 151 2
                                    


V I N C E N T

"Si Paul. The weirdest person I have encountered. He's introverted, and I think ako ang extrovert na taong magpapalabas sa kanya mula sa kanyang comfort zone. He's calm, sweet at mabait pa siya. Iba siya kay Renz. He's interesting."

"Talaga?" Tanong ko sa kanya.

He nodded. "Yep. That's how Lord resolve things -- nagbibigay siya ng mga tao. May mga ipapakilala siya sa atin na makakaintindi sa mga problema natin. Hindi lang natin napapansin dahil naka-focus tayo sa pain. Pero kung titingin tayo sa mga positibong bagay, mapapansin mong may gumagawa talaga ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman natin. At maniwala ka o sa hindi, ibibigay rin niya ang para sa'yo."

Marahil noong araw na 'yon ako nagsimulang mahulog sa kanya. Nitong mga araw kasi, tinatanong ko ang sarili ko -- why did I really ended up falling for Ken?

Dati, ang saya pa namin. Halos bangayan lang kami ng bangayan. Noong mga panahong 'yon, palalim na nang palalim ang loob ko sa kanya.

Hanggang makalimot ako sa nakaraan at nag-focus na lang ako sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na mangyayari sa amin ang mga bagay na 'to. Napakabilis ng mga pangyayari. Halos hindi ako makahinga sa dami nila.

Bakit ba sa ganitong buhay pa ako napunta?

Hindi ba pwedeng kay Paul na lang? Hindi ba pwedeng totoo na lang si Paul?

Napabuntong-hininga ako. Miss na miss ko na siya. At oo, pursigido na talaga akong gawin ang lahat ng makakaya ko bumalik lang sa normal ang lahat.

"Mahal na mahal mo talaga siya, no? Kita ko sa mga mata mo." Sabi ni Lionne. Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lamang siya saglit at iniiwas ko rin kaagad ito.

"R-ramdam kita. Mahirap ang mawalay ka sa taong mahal mo. Mahirap 'yung mahal na mahal mo siya, tapos ikaw, gustung-gusto mo siyang makita kaya lang ang daming balakid. Ang daming humaharang." Sabi niya at napatawa siya ng mahina.

"Sabi sa akin ng mga tumatayong mga magulang ko noon, inampon daw nila ako dahil naawa sila sa akin. Sanggol pa lang daw ako noon nang mawalay ako sa mga tunay na magulang ko. Nagkaroon kasi ng sunog sa amin at hindi ko alam kung hindi ba talaga nila ako hinanap o hindi lang nila ako nakita. Sabi ko pa noon, wala akong pake sa tunay kong pamilya basta't masaya na ako sa kung paano ako lumaki. Hindi ko alam na gagamitin lang pala nila ako ngayong may silbi na ako para sa kanila. At dahil sa realization ko na 'yon, gusto ko nang umalis sa kanila. At gusto ko na ring mahanap ang tunay na mga magulang ko." Dagdag pa niya.

Napatingin ako sa kanya. Mula sa pisikal niyang anyo hanggang sa mga mata niya. Punung-puno ito pagod at lungkot. Kung titingnan mo siya ay medyo payat siya kesa sa karaniwan.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon