Maskara

24 1 0
                                    

Hanggang kailan ko pa ba itatago

Ang damdamin kong kadalasa'y bigo

Sa bawat ngiti, sa bawat halakhak

Ang aking puso, lalong nasasadlak


Hanggang kailan pa ba tatagal

Ang mga maskarang napapagal

Hindi mo man batid ang aking kalagayan

Minsan ang lahat ng ito ay sadyang sanayan


Sa bawat araw ng aking pagtawa

Sa pag banggit ng mga katagang nakakasawa

Sa bawat gabi kung kailan ang lahat ay tulog na

Ang aking pusong pagod na pagod na

Maging ang emosyong tila palabas na ako ang artista

Ang aking mundo na mala-entablado ay mag-isang magsasara.

Poems, Prose, ThoughtsWhere stories live. Discover now