chapter one

6.5K 135 4
                                    


Suzane's point of view

Kumapit ka lang lola, mapapa-operahan din kita, maghintay ka lang. Gagawa ako nang paraan para mawala niyang sakit mo..

"Anong kailangan kong gawin?"

Taranta kong tanong sa sarili ko.

Kanina pa ako lakad nang lakad dito at  naghihintay ng balita sa kondisyon ni Lola.

"Nagawa ko na lahat ng trabaho pwera nalang sa isa, ang ibenta ang katawan ko."

Sumilip ako sa salamin ng pinto para masilip siya. Agad namang bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang doktor na sa tingin ko ay ang edad ay nasa trenta anyos.

"Guardian of the patient?"

Tanong niya ngunit may iba siyang hinahanap sa paligid.

"ako po. Kamusta po kalagayan niya?"

Tanong ko sa kanya at mukhang siya ay  nabigla ng hindi ko inaasahan ang reaksyon niya.

"Ikaw lang ba iha? Ilan taon ka na ba?"

Malisyoso naman nito masyado. Kasali ba ito sa trabaho niya?

"bente anyos po ako."

Tss. Sagot ko sa kanya at umiling iling siya na parang may mali..

"Napakabata mo pa para sa ganito pero ang masasabi ko lang nanghihina na ang lola mo and she needs the surgery within this days. Sa tanto ko ay 30 days nalang. Wala ka bang ibang kamag anak na hahawak nito?"

Ano ba yan. 30 DAYS!!? Kakayanin ko ba yun? Bakit kasi ako iniwan ni Papa.

"30 days doc? Sigurado ho kayo? Tsaka po wala na ho kaming ibang kamag anak."

Sagot ko sa kanya at mukha siyang naaawa.

Ayoko talaga sa lahat ng kinakawawaan ako.

"Hanggat maaga pa gumawa ka na ng paraan"

Sabi niya at tumalikod na sa akin.

Naguguluhan na ako.

Lumapit sakin ang isang nurse at tinanong ang aking pangalan.

"Cortez, Suzane"

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now