💍❤️💍

3.7K 102 2
                                    

Suzane'sPOV

Day 2 of 30.

Naalipungatan ako sa pagkahimbing kong tulog sa malambot na kama at malamig na kwarto. Naisipan kong bumaba dahil nauuhaw ako. Pababa ako ng hagdan nang may narinig akong nag uusap sa baba na para bang hindi mag kaintindihan..

"Señiorita Ylaine, hindi po umuwi kagabi si Señiorito Leo.. Wala po siya sa kwarto niya.."

Narinig kong paliwanag ng Butler ni Ford.. Hindi ko makita kung sino yung babae dahil nakatalikod siya mula sakin.. Pinag sawalang bahala ko ito at dumiretso sa kusina..

"Butler, baka gusto mo akong ipakilala diyan sa bagong yaya.She doesn't have any respect."

Sarkaristong sabi nitong bruha na ito... Aba!! Ako walang respeto?!? The heck!? Bagong yaya!? Humarap ako sa kanilang dalawa.

"Butler, I just get some water.."

Pataray kong wika kay Butler.. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso..

"S-sige p-po, M-maam."

Nanginginig na wika ni Butler. Wala na akong nagawa kundi tumalikod sa kanilang dalawa..

"Tss. What a bxtch."

Narinig kong wika nitong bruha na ito. Bitch?! Really!? Talk to my hand,sweetie.. i just ignored it..

"Ouch! Bitaw!"

Nagulat ako kasi naman hilahin ba naman ang buhok ko pababa.. Sht. Ang sakit kaya.. Nakita kong umaawat si Butler pero tiningnan lang siya ng masama nitong babae na ito.. Wala na akong nagawa kundi itulak siya. Nang itulak ko siya napaupo siya sa sahig, thats not my freaking fault.. Nakaheels pa man din ng 5 inch.. Saklap naman.

"Señiorita!!"

Narinig kong sigaw ni Butler, akala mo naman namatay sa tulak.. Aish! Hindi na ako nauuhaw kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko at padabog na sinarado ang pinto..

Its fvking early, nasira agad ang mood ko.. Sino ba kasi yung bruha na iyon? Matanong nga ang madaldal na si Lily...Ayoko namang bumaba ulit dahil lalong masisira ang araw ko.. Inikot ko ang paningin ko sa apat na espasyo at nakita ko ang lubid na hihilahin ko lang pag kailangan ko si Lily.. Nice one, suzane...

Hinila ko ito at ilang saglit din ay umakyat si Lily sa kwarto ko na may dalang glass of milk and toast bread with banana fruit.. Napangiti ako sa kinikilos niya..

"Ate, breakfast niyo po.."

Galak na wika niya sakin at nginitian ko siya bilang pasasalamat.

"Hindi pa ako nagugutom. Just put it there. May tanong ako kaya kita tinawag.."

"Ahhh? Ganun po ba? Ano ba yun?"

Wika niya sa akin at umupo sa harap ko sa may kama..

"Sino ba yung babae sa ibaba kanina? Nasira ang araw ko ah grabe.."

Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko.. Heto na naman tayo. Tsk. Tumayo ako at Kinuha ko ang baso na may gatas at lumabas ng terrace habang iniinom ito..

"S-siya ba? Siya si Ylaine Ramos.. Childhood bestfriend ni Señiorito Leo.."

"Maam!!"

Nagulat ako kasi hindi ko namalayan na nabasag ko yung baso na hawak ko at mahapdi ang kamay ko.. Masyado na occupy ang utak ko sa narinig ko.. Patay na..

"Gosh! Naitulak ko siya.."

Wika ko kay Lily at napatayo agad siya sa pagpupulot ng mga bubog ng baso..

"Ano?! Patay na.."

Hindi naman ako papayag na magpapatalo ako noh!? Duh. As I said, Hanggang nasa tama ako hindi ko ibaba ang P R I D E ko..

"But, nauna siya... Sinabunutan niya ako. Ang sakit kaya. Wants some demo,Lily?"

Pagbibiro na sabi ko sa kanya at siya ay tumawa lang.. Nagtawanan kami dahil sa sinabi ko.. Magaan talaga ang loob ko dito sa babaeng ito kahit na may pagkadaldal na kinaiinisan ko.. May makukuha rin pala akong Advantage sa pagchichismis niya.. Naalala ko tuloy si Yaya sa bahay.. Kamusta na kaya sila? Si lola? Don't worry, ilang araw nalang..

Sabi ng matatanda, pag binibilang mo ang pagdating ng araw na hinihintay mo ay bumabagal ang oras. Kaya dapat hindi pansinin at just go with the flow dito sa loob at labas ng Mansion ng mga Sy...

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now