💍💔💍

3.5K 88 0
                                    

Ngayon ay second day ko nasa kompanya ng mga Ashton at salamat naman at nakakasurvive ako doon.. Ngayon ay ipapasa ko na lahat ng tinapos ko kahapon na mga resume ng applicants.. Inaayos ko lang ang arrangements ng folders.

Actually,hindi ako ang inutusan dito yung babaeng maarte pero unbelievable! Ipinasa sa akin ang trabaho niya at nakipagdate sa boyfriend niya..

"Besty? Ano ba name nung babaeng maarte na yun?"

Tanong ko Kay Shamesca na busy kakatype sa computer niya.. Lalo na kaming nagiging close sa isat isa pero pangalan lang ang tanging alam sa kanya..

"She's our manager. She's Madeline Ortega,besty.."

Manager pala namin siya sa lagay na yun na ipinapasa ang mga Gawain niya sa iba? Bxtch please..

Nagpaalam muna ako saglit na dadalhin ko ito sa office ng CEO sa department namin.. Believe it,iba iba ang CEO ng bawat department pero Ashton lang ang dapat humawak nun,unless..

Tinanong ko kanina si Shamesca kung sino ang CEO na naka-assign sa department namin. Eto lang ang tanging sinabi niya..

"Favorite Grandson ng mga Ashton,successor kasi palibhasa.. Si Randolf Ashton."

Yun lang ang sinabi niya at wala na. Ngayon ay kumatok na ako sa pintuan ng Randolf ba yun.

"Come in."

Yan ang sinabi niya kaya pumasok na ako sa loob. May kasama siyang isang lalaki na nakatalikod sa akin dahil may kausap sa cellphone..

"Sir,eto po yung mga folders na natapos na for the applicants."

Yun lang ang sinabi ko at inisa-isa niyang binuksan ang mga folder sa table niya..

"Hey,the girl who wore a converse shoes! Long time no see ."

Napatingin ako sa likod ko and andoon yung boy na sinabihan ako ng NICE STYLE.Remember? Yung sa paglabas ko ng chapel at nakabunggo ko siya..

"Ohhh, ikaw yung nasa park na lalaki diba? Yung pinagkumpulan ng mga tao?"

Mukha siyang namutla at tumawa na parang aso.. Akala niya,anong converse girl si For-- ay wala letse.. Erase,erase !

"E-ehehehe ang daldal mo.."

Sabay kamot niya sa batok niya na parang nahihiya. Binalik ko nalang ang tingin ko kay Sir Randolf pero wait? Anong ginagawa dito niyan?

"Binasted ka ni Cassandria,little brother noh? Hahaha."

Woah?! LITTLE BROTHER?! So,magkapatid sila? At ang cute kasi close sila.. Nagulat ako nung batuhin nung lalaki si Sir Randolf ng throw pillow sa mukha pero nasalo naman ito ni Sir..

"Wag kang epal,kuya. Siya nga pala ako si Peter."

Pagpapakilala niyang wika sa akin at nginitian ko lang siya at hindi tinaggap ang shake hands niya. Pfft. Ngumiti lang siya ulit na parang ngiting aso lang at nagkamot ng batok. Yung totoo? May kuto ba ito or kung ano?

"Her name is Suzane, little brother.. Mukha ka kasing kawawa diyan eh. Pfft"

Parang lumiwanag ang mukha nitong si Peter nang marinig ang pangalan ko. Ang galing,natutuwa ako kasi ngayon lang ako nakakita ng CEO na kilala ang mga Ka-department niya and lastly,ang cute nilang mag asaran. Yung tipong yun ang comfort zone nila..

"Lumabas ka na nga Suzane dahil mamaya baka lalong mabaliw yung kapatid ko sayo.. Lastly,where's Madeline? Siya ang dapat na gumagawa nito?"

I just shrug and left them there. Bumalik na ako sa desk ko para naman sa computation ng lahat ng applicants. Sa hindi naman sinasadya narinig ko na may kausap si Shamesca sa telepono..

"Dad..Masaya na ako sa buhay ko na ganito! Don't make me feel hard on this stuff... I will.... I'll come back soon... Kapag may mapapatunayan na ako.. Bye.."

Kaya ayun ay nagpatay malisya akong bumalik sa desk ko at sinimulang mag compute. Nakita kong basa ang pisnge niya kaya tinanong ko kung bakit..

FORD'SPOV

"Leo! Thank you at nagpa get away trip sa atin! I love it!"

Pabaklang sabi ni Demi sa akin habang may kawaring hahalikan ako pero nag tawanan lang kami.. Ang kasama lang ay kaming tatlong magkakabarkada ng tatlo ding chixx.

Gusto ko kasing lumayo kasi kung sa Mansion ay nakikita ko siya sa bawat espasyo ng mansion.. Kahit saan,damn!

"Let's play a truth or dare but my twist!"

Sabi ni Morphie at napatahimik na naman ako dahil sa word na TWIST yung time na nag deal kami. Damn,why are you driving me crazy zaza??!!

"Sure.."

Malanding sabi ng katabi ko. Sht,hanggang dito ba naman Suzane?! Gusto na kitang kalimutan! Ano bang ginawa mo sa akin?!

"Instead truth gagawin nating bare kung saan kada hindi mo magagawa ang dare ay maghuhubad ka ng damit.."

"Game!"

Agad na sang ayon nilang lahat pwera sa akin.. Sinimulan na nilang paikutin ang bote and unang tumapat sa Katabi kong babae..

"Ahm? Dare!"

Tsk. Kawari nag iisip pero dare ang gusto tas ako ang susulsulan dito. fck.

"Kiss torridly with ahmmmm. Leo!! Within 10 seconds!"

Napatampal nalang ako ng noo sa mga naririnig ko.. Pinagbigyan ko itong babae na mukhang hipon. Tsk..

"Woaahhh!! Next dare?!"

What the fvcking game!? Sumunod na tumapat ay kay Morphie at ako naman ang magdedare.

Revenge time, baby.. Nag isip ako ng maganda gandang dare and gotcha!

"Magdala ka ng babae dito from the other cottage but sayawan mo muna doon sa cottage nila bago mo dalhin sa dito."

Mukhang game na game ang loko kaya agad agad na tumayo at naghanap. Tiningnan ko ang itsura ng babae nakatabi niya.. Yun nakabusangot ang mukha na pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Eto na!"

Nagulat ako kung sino ang kinuhang babae ni Morphie..

"Best friend Ylaine!!"

Her Playboy Fiance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon