💍❤️💍

4.1K 108 0
                                    

Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso ako sa chapel na pinakamalapit doon at sinimulang magdasal.. Ilang minuto din ang nilagi ko dun at umalis na ako.. Nang papasok na ako sa kwarto ni Lola ay sumilip Muna ako. Nakita ko siyang bumahing na may kasamang dugo..

Naaawa na ako sa kalagayan niya. Sabi ko nga ibebenta ko na katawan ko mabuhay lang si Lola. Alam kong kahit maoperahan siya mamamatay siya. Lahat naman ng tao darating dun pero ayoko umabot na punto na naghihingalo siya habang hinahabol niya ang hininga niya.. In short gusto ko pa siyang makasama..

Pumasok na ako at tila nagulat siya sa pagdating ko.

"Ang aga pa Anne? Andito ka na agad?"

Tanong niya sakin habang tinatago ang panyo sa ilalim ng kumot..

"La, Wag mo nang itago.. Nakita ko na eh. Tsaka maghahanap ako ng pagkukuhaan ng pera"

Napabuntong hininga nalang siya sa narinig niya.

"Pasensiya sa pahirap,anak"

Sabi niya wari iiyak na sa lagay na yon..

Nginitian ko lang siya at nagpaalam na..

Pag labas ko ay agad akong kinuha ang cellphone ko at I started to dial Don Pablo's number..

Lola Pacita's POV

Kawawang bata.. Kailan kaya matatapos ang paghihirap nito? Masyado na akong nagiging pabigat.. Pati sarili napapabayaan.. Hayst. Iniwan na ng ina dahil sumama sa iba.. Iniwan ng Ama dahil sumalangit na. Ako nalang ang makakapitan niya. Jusko. Wag niyo sanang hahayaan mapariwala itong batang ito..

Suzane's POV

"okay.. I will."

So, its a deal. Pumayag na ako sa gusto niya.. Sorry Lola pero kailangan mo ito.. Bumalik na ako sa loob at nakita kong natutulog si Lola kaya inaya ko sa labas si yaya...

"Yaya,bukas or sa susunod na mga araw mawawala ako. Siguro 30 days lang.. Ikaw na Bahala Kay Lola.. Maooperahan pala siya bukas."

Sabi ko Kay yaya na nagpagulat sa kanya.. Dakilang chismosa ito si yaya eh. Pfft. Get ready madaming tanong ito.

"Maooperahan? Bukas? Paano? Ikaw mawawala? In 30 days?"

I told yah. Pfft. Daig pa machine gun ang bibig.

"Nakagawa na po ako ng paraan and sa atin lang dalawa ito yaya.. Ikakasal ako sa grandson ni Don Pablo."

"Si Sir Ford?!?!"

Chismosa talaga nga naman. Ako nga hindi ko kilala sino mapapangasawa ko eh. Siya pa.

"Ganun na nga.."

"Basta mag iingat ka ah? Ako na bahala Kay Lola. Update nalang kita if success"

Sabi niya at niyakap ako..

"Dalaga na anak ni Paulo."

Natawa ako at nagpaalam na dahil mag aayos na ng gamit ko.. Susunduin daw ako mamaya ng driver sa mansion.. I get through this..

Her Playboy Fiance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon