E P I L O G U S

3.7K 88 22
                                    

Suzane's POV

"Sis,ang aga namang gala nito.. 7:30 am palang nang umaga paalala ko sayo."

Paano ba naman kasi pumasok sa kwarto namin. Si Ford naman ay maagang umalis dahil trabaho daw.. Kasi naman nagpapasama itong bruha na ito sa Boutique para sa wedding dress niya..

"Eto na po..Excited masyado. Mauna ka na kaya sa simbahan!"

Sabi ko sa kanya at bumangon na sa pagkakahiga sa kama.. Ilang minuto din ay natapos na akong gawin ang morning routine ko.. Pumasok ako sa kotse niya,nga pala. Wala si Zian,ewan ko ba doon. Sabi ni Demi is mag-isleep over sa kanila.. Kaya wala ngayon sa bahay.. Bata-bata ang gala na.

"Let's go,sis!"

Yun nga pumasok kami sa Mall nila.. Yeah,sa kanila ito pero mas malaki yung mall nila sa iba't ibang part ng Europe.. So,yun na nga.. Umupo lang ako sa couch and tinitingnan ang mga magazine habang, si Shamesca ay nakikipagdaldalan doon sa counter..

"Yan na ba yung iyo?"

Tanong ko sa kanya dahil may pinabuhat siyang box nang wedding gown sa isang lalaki,so i guess? Sa kanya iyon..

"Ah? Oo! Pero kukuha pa ako nang isa para sa reception.. Para hindi hassle."

Tumango nalang ako sa kanya.. Hayst,napapaisip ako kailan kaya ako maikakasal.. Mauunahan pa ako nitong bruha oh? Hahaha.

"Miss,tayo ka. Para masukat natin."

Huh? Ano daw? Napatingin ako sa harap ko and nakita ko is isang bakla na may hawak na medida.. Ehhh?

"Hindi po ako yung ikakasal.. Siya po"

Turo ko kay Shamesca na nagsusukat nang mga Wedding gown.. Sayang saya ang loka tuwing nakikita kong pina-fashion show ang gown sa boutique na ito..

"Sis! Okay lang yan! Para parehas tayo nang isusuot! Maid of honor / Bride's maid kita!"

Okay? Kailangan pati maid of honor or Bride's maid naka wedding gown?. Wala na akong nagawa kundi ang magpasukat.. Pinakita sa akin ang sample and yes. Maganda siya.. Isang longsleeve na pa-lace and pa-ball gown siya.. Simple lang pero maganda..

Ilang oras din kaming naghintay kaya yun.. Nang makuha na namin ang gown ay nadadamihan ako sa kinuha niya.. Bakit kailangan ng tatlo ang gown? Eh pwede naman na sa reception is kahit ano or hindi niya na hubarin yung gown niya? Ayos na nga yan.. Bahala siya sa buhay niya.. Siya naman yung magsusuot..

"Sis! Let's go! Sa salon dahil malapit nang magsimula ang kasal ko!"

What!? Mamaya na ba ang kasal nila?! Srsly? Ayaw na siyang pakawalan ni Morphie. Hahaha, So wala na naman akong nagawa pag si Shamesca ang nag aya.. 1 hour ang itinagal namin sa Salon and it's already 11: 00 in the morning..

"Anong oras ba ang kasal mo? Bakit hindi ko alam?"

"Syempre para surprise! Kaya nga kita ginising nang maaga dahil dun ko lang din nalaman na ikakasal na ako mamayang 12 pm! Im so excited,sis!"

Ahhh? Swerte niya grabe ah? Nakauwi na kaya si zian? Hayst. Kapagod na araw.. Pagdating namin sa Bahay nila ni Morphie ay dali-dali siyang nag ayos and ako din.. Lotion dito,shaved dito, and at last natapos din kami pero biglang may pumasok sa kwarto na mga camera man at taga-video..

Tsaka mga hairstylist,sinimulan na kaming ayusan nang dalawang hairstylist na babae.. Flash dito,flash doon dahil sa camera.. Aish.. Mabubulag kami nito tsk.

Unang nagsuot nang gown ay syempre ako.. Maid of honor lang naman ako., Tinulungan niya akong isuot ang gown ang masasabi ko lang is WOW. Nang si Shamesca na ang magsusuot ay tinulungan ko siya.. Humarap kaming dalawa sa salamin at may napansin ako?

"Bakit mas malaki yung akin?"

Tumingin siya sa akin at umirap lang. Ehh?

"Syempre! Ikaw kaya ang pumili niyan.. Your wish is my command,sis. Alam mo namang sister tayo not by blood but by heart"

Sabi niya sa akin at niyakap ako..Nag-si datingan ang mga magulang ni Shamesca sa bahay nila.. Sinimulan na ang pagkuha nang mga pictures.. Ang masasabi ko lang ay masaya ako para kay Shamesca at nahanap niya na ang lalaking mapapatino siya,hahaha abnormal kasi yan eh nang dumating si Morphie naging normal kahit papaano. Hahaha! Thanks to him.

Nauna na ang mga magulang niya sa simbahan dahil it's already 11:50 am at 10 minutes nalang ay magsisimula na ang kasal nila.. Alam kaya ito ni ford? Siguro,oo naman kasi yun pa hindi sabihan nila Morphie ay malabong malabo.. Hahaha.

May nagbigay sa akin ng box na maliit at nakita ko sa loob nitong isang necklace.. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Shamesca na nakangiti sa akin.. Ang swerte ko naman sa mga taong nakapaligid sa akin.. Ibinigay sa akin ni Shamesca ang wedding flower na kulay lavender at sa kanya ay yellow pero hindi kalakihan yung kanya.. Hey! Sa loob nang limang taon nasanay na akong mag heels dahil sa babaitang ito kaya thanks to her..

Bumaba na kami and nandoon na ang wedding car na susundo sa amin.. Sumabay nalang daw ako dito sa wedding car sabi ni Shamesca dahil ako naman ang maid of honor niya..

Yun na nagsimula na ang paglalakad nang mga ninong at ninang, ang mga abay. Kilala ko lahat ng inaabay ah? Kay liit nga naman ng mundo and nag Hi sa akin si Zian.. Siya ang ring bearer.. As in Wow. Yun na nga,isinara ang pinto nang si Shamesca na ang lalakad, napansin ko bakit walang belo ang bruha.. Ewan ko  bahala siya diyan, baka ayaw niya na ipatas kay Morphie para sabay kiss the bride agad. Hahaha!

Bumukas na ang wooden door at naglakad na si Shamesca pero bigla siyang huminto nang makapasok na siya sa loob ng simbahan.. Nagulat ako na may ilagay siya sa ulo ko..





ISANG BELO....


"Congrats,sis"

Bulong niya sa akin habang inaayos ang belo sa ulo ko.. Pumunta siya sa likod ko at tinaas ang belo na pagkahaba haba.. Hindi ko mailakad ang mga paa ko.. Totoo ba itong lahat na ito? Ang naghihintay sa tabi nang altar ay ang taong pinakamamahal ko..  Umiiyak akong naglalakad papunta sa kanya.. Nakita ko lahat ng mga taong ma-espesyal sa buhay ko..

Nang makarating ako ay lumapit sa akin si Ford na may ngiti at luha sa kanyang mukha..

"Sorry dahil hindi ko sinabi sa iyo"

Lalo akong umiyak habang tumatawa.. Hinampas ko siya sa braso at tumawa lang kaming dalawa.. Ang masasabi ko lang ngayon ay...

"BAKIT ANG HILIG MO MAGPAKILIG,MR.SY?"

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now