💍💞💍

3K 89 5
                                    

"Nung dalaga yun.. She's already married and wala namang asawa ang gustong makakita ng para sa kanila lang,Am I right doctor?"

Hindi talaga magpapatalo itong fiance ko,pfft. Tiningnan ko ang doctor at tumatawa ito na nakatingin sa ibaba ko.. Nakita ni Ford yun at Hindi ko namalayan nawala sa tabi ko si ford at ang doctor ay nakatumba sa kama..

"Gosh!! Ford!!"

Nilapitan ko siya dahil baka kung ano ang magawa niya sa doctor na lalaki,patay na talaga ako nito pag uwi.. Mukhang badtrip,hello!? sino hindi mababadtrip dun suzane!?

"You are a perverted doctor jerk!!"

Sigaw niya at sinuntok ulit ni Ford ang doctor.. Pilit kong hinihila si Ford pero ako na ang hinila niya palabas ng kwarto na iyon at iniwan ang doctor sa loob.. Dire-diretso lang siya sa paglalakad habang ako naman ay hindi makatakbo dahil binibilisan niya ang paglalakad niya..

"CJ!!!"

Wala na akong pakealam kung tumingin ang mga tao dito kasi hindi ko na talaga kayang habulin siya.. Feeling ko habang binibilisan ko ang paglalakad dumodoble ang bigat ng nasa tiyan ko.. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang sinigaw ko sa kanya..

"What did you say?"

Aba!? Bingi ba ito or nagbibingi-bingihan lang?! Bahala siya sa buhay niya,napagod ako doon ah! Unti-unti siyang lumalapit sa akin at ako naman ay hindi ko maiatras or maigalaw ang mga paa ko.. Ang mga nurse at pasyente ay kinikilig na dito.. Anong magagawa ko? Ang gwapo nitong asawa ko,Tss.

"Repeat it,my lady"

Gosh! Ano ba yan! Hindi ko alam bakit ako namumula tuwing sasabihan niya ako ng  MY LADY na yan.. Ang mga nurse ay naghahampasan na sa braso dahil sa kilig or napopogian sila sa asawa ko?

"Ang gwapo nung boy.. Ano niya kaya yung girl?"

Napapikit ako sa mga narinig kong bulungan dito. I knew it! Ang asawa ko ang habol nila kaya sila kinikilig! How dare them! Ngumisi lang ang loko dahil sa narinig niya at reaksyon kong pag irap sa hangin..

Nagulat akong humarap siya sa nurse na nagsabi na gwapo siya at ngumiti pa siya talaga!! Nang-iinis ba talaga ito!? Timpi lang suzane! Ngiti lang! Papanget ang anak mo sige ka..

"Miss,alam kong gwapo ko"

Sabi niya sa nurse at kumindat. Talaga bang!??!! Tsk,tiningnan ko ang nurse na kinindatan at namumula na parang kamatis.. Arrgh! Ang hangin niya sobra,letse lang!!

"Hoy! Kung makikipaglandian ka lang naman sana ginalingan mo! Letse!"

Sigaw ko sa kanya at nagwalk-out na doon sa lugar na iyon. Gawd! Kawala ng poise ang mga ito.. Magsama-sama silang malalandi! Narinig ko ang mga yapak ng kanyang sapatos na hinahabol ako at nang iharap niya ako ay hinalikan ako sa labi nitong lalaki na ito..

"I don't want my kisser have a filthy lips!"

Sigaw ko sa kanya at patuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng Hospital na iyon..

Peter's POV

Ganito nalang ba ang tadhana ko!? Kung hindi ako mare-reject ng taong gusto ko ay mauunahan naman! I saw everything! Lahat lahat! Wala na akong karapatan para lapitan pa si Suzane dahil masaya na siya sa pamilya niya.. Hindi ba talaga akong kayang mahalin ni Cassandria!? Arrghh! I hate my existence! Fvck that!!

Morphie's POV

Andito kami ngayon ni Demi sa Bar niya kung saan ay bago na naman ang babae. Tsk,kaya nagagalit sa kanya si Shaina eh.. May asawa na nakukuha pang lumandi buti pa ako may mahal kaso torpe.. I'm afraid to be reject by someone.. I watched her falling for someone..

"Dude! Nagtext sa akin si Shaina ah? Nagagalit na siya.. Umuwi ka na daw."

Sabi ko sa kanya pero siya ay patuloy lang siya sa pakikipaglandian sa babae na kung makadikit ay feeling asawa or girlfriend..

"Don't mind her! By the way,kamusta ang bugahan blues? Hahaha!"

Wth!? What does it mean??

"huh!? Sinasabi mo diyan? Lasing ka lang"

"Hahahaha! Talaga ba? Eh ano ito?"

May kinuha siya sa bulsa niya na cellphone at pinakita sa akin ang larawan na WTH!? Kaming dalawa ni Shamesca na binugahan ko siya sa loob ng kanyang bibig ang usok ng sigarilyo..

"A-ahh y-yaan b-ba?? W-wala y-yan! Wag mong binibig-deal yan. Delete that!"

Tumawa lang ng malakas si Demi at binalik na ang cellphone sa bulsa niya.. Aish! Ano ba yan! Paano ba mabubura iyon? Hindi ko naman ito mauutusan dahil mapamaraan ito..

"Ano ang kailangan kong gawin para burahin mo iyan?"

Seryosong tanong ko sa kanya at napa upo siya ng maayos na kanina ay mukhang tambay kung makaupo sa couch..

"Aminin mo na gusto mo si Shamesca,diba?"

Argh! Paano ba ito!? Isusumpa kita Demi!! Pag may ibang nakaalam nito

"Paano pag ayoko.."

"Edi walang burahan ng picture."

As in wow!? Ang utak talaga nitong lalaki na ito.. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito? Laglagan lang talaga!?

"Okay,fine. Hindi ko lang gusto si Shamesca.. Mahal ko na siya matagal na.. Happy? Alam mo namang matagal ko na siyang gusto.. So,Burahin mo na iyan.."

Totoo na sabi ko sa kanya.. Hindi lang kasi ako makaamin dahil natatakot akong mareject or mabasted ng isang gaya niya..

"Anong sinabi mo?"

Napatahimik ako nang may magsalita galing sa likuran ko..

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now