💍❤️💍

3.7K 78 0
                                    

author's note

Ipa-fast forward ko na po yung sa 30 days,kasi po aabutin tayo ng siyam siyam pag pinatagal ko po.. So ngayon po natitirang isang araw nalang po ang i-add ko.. So,bale ang nafast forward is 29days.. Pero, dont worry po may twist na magaganap, after bumalik sa reality..

Salamat sa unawa.. 😄
----------------------------------------------------------------------------------

Suzane's POV

day 29 of 30
Yun nga naging routine na namin, araw araw ang magbangayan dito. Ang inisin namin si Ylaine,pagselosin.. Effective naman ito. Kaya umuwi muna siya sa mansion kuno nila. Pfft. This past few days din ay dumadalas ang pagdalaw namin kay lola sa bahay at Masasabi ko ay unti na akong napapamahal sa mga tao dito sa loob at labas ng Mansion..Unti unti na ring nahuhulog ang loob ko kay Ford ng hindi ko namamalayan sa mga nagdaang ilang araw,linggo,umaga at gabi.. Hindi pa rin mawala ang mga katagang  sinabi sa  akin ni Ylaine bago siya umalis sa mansion ng mga Sy..

"He just wanted on you is to be his sex toy and one more thing,don't  be assumed too much sa mga pasweet niya sa iyo . Duh, that's his way to get you.."

Sinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya sa akin.. Alam ko sa sarili ko na hindi ganung tao si Ford. Hell yeah, inaamin ko mahilig siya sa one night stand pero hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba.. Dagdag lamang ito sa stress ko.. Bruha ka talaga, Ylaine Ramos.

Sa totoo lang ay nalulungkot ako dahil  pang 29 days ko na ito so, automatically na hanggang bukas nalang ako maninirahan sa Mansion ng mga Sy at matatapos na rin ang fake marriage in 30 days.. Kahit aminin ko na ayoko silang iwan dito pero kailangan.. That's life..

Back to normal na ako,bukas.. Kakayod na naman ako ulit para kay lola pero ayos lang wala naman na siyang sakit.. Makikita na rin kita lola at yaya.. Konting tiis nalang lola..

"Uyyy! wala kang kibo diyan? Tahimik mo ah?"

Tanong ko kay Ford na kasama kong pumasyal sa park ngayon... Actually, eto ang favorite park na napuntahan ko kasi memorable ito para sa akin.. Si Ford nga pala ang nagdala sa akin dito, ewan ko ba kung ano trip sa buhay neto.. Wala namang kibo simula ng inaya niya akong lumabas, but Im thankful to him  kasi ngayon lang ako ulit nakapasyal after many years... Napapaisip ako kung nalulungkot rin kaya siya gaya ko? Gaya ni Lily? Gaya ni Butler Kim?.. Nevermind..
Namimiss ko na si Cj kasi dito kami laging pumupunta tuwing bibisita ang lolo niya sa bahay...Favorite namin yung maliit na fishpond at swing dito especially yung puno sa tabi ng fishpond..

"Alam mo ba? kapalayaw mo yung bestfriend kong si zaza.. Epal ka talaga kahit kailan noh?"

Biglang sabi nitong katabi kong ito.. I dont know, if matutuwa ba dapat ako kasi kapalayaw  ko yung bestfriend niya or maiinis kasi sinabihan akong epal?

"ahh, ganun ba? Nasaan na ba siya?"

Pag ungkat ko ng usapan namin pero umupo lang siya sa bench sabay sandal at pumikit ito.. Umirap nalang ako sa kawalan at pinagmasdan siya  habang nakapikit. Ang anghel niya matulog pero pag naging parang kung sinong monster na may kalaban.. Pfft, sshh lang kayo..

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng mas nakilala pa kita,Ford..Are you feel the same way that I feel too? Siguro hindi? Haha, Im just an ordinary woman in your sight.. Im a pest on your attention.. Sa pagtatanong ko sa isipan ko ng kung ano anong bagay ay hindi ko na namalayan na tumutulo na luha ko.. Damn.

Natutulog ng kay himbing ang  loko. Umiiling akong tinabihan siya  at hinalikan sa pisnge.. Alam kong naramdaman niya yun pero ginawa ko na.. Kasi bukas maaga akong aalis para lisanin yung Mansion.. Hayst. I start to caressed his hair habang pinipigilan ang pag hikbi ko.. Kung nababasa mo lang ang iniisip ko Ford, ay lalayuan mo ako..

Nakarinig ako ng kanta na I COULD NOT ASK FOR MORE kaya hinanap ko kung saan ito nanggagaling.. Iniwan ko muna si Ford na mahimbing ang tuloy doon... Sandali lang naman ako eh.. Nang nasa kumupulan na ako ng mga tao ay pinilit ko yung sarili kong sumiksik doon.. Nakakita ako ng mga naglalakihang balloons, bouquets ng flower na nakatambak sa basurahan.. Ang effort nung boy kaso lang hayst..

"Cassandria, Please payagan mo ako ligawan ka.."

Pagmamakaawa nung lalaki sa babae na ubod ng ganda.. Living goddess? Nakita ko ang isang familiar na lalaki at isang maganda babae sa gitna.. Tanging sagot lang nung babae ay iling.. Ang saklap naman nito bakit dito pa sa publiko naglalandian.. May biglang dumating na isang maganda ring babae and what the heck!? Ngayon lang ako nakakita ng kambal na magkamukhang kamukha.. As in parang Xerox copy lang pero uh oh. Ang xerox copy may maputi at maitim i mean may isa sa kanila ang mabait at hindi kanais nais ang ugali..

" Are you deaf, Peter?! Let's go, Ria. We are wasting our time here."

"Sorry, hindi kita mahal.. Si Cassandra nalang.."

Woaah! Gotcha! Nalaman ko agad kung sino sa kanila ang may attitude na taglay.. Hahaha! Nakarinig ako ng mga bulung-bulungan tungkol sa napanood namin.. Sa tingin ko ay ako  nalang ang natira at ang lalaki na nakatayo habang nakayuko ang ulo,umiiyak siguro siya.. Lalapitan ko sana kaso suddenly someone hugged me from my behind.. Lumalakad na palayo ang lalaki habang nakabagsak ang mga balikat nito..Naawa ako sa kanya na ewan.. I felt sorry for him..

" I thought, Im gonna lose you again.."

Again? Bakit? Nawala na ba ako sa mga kamay niya? Dati? Hindi siguro.. Hinarap ko siya at hinawakan ang dalawang pisnge niya.. Gusto ko siyang halikan pero hindi pwede mahihirapan lang baka lalo na bitawan siya..

"Okay na.. Nakita mo na ako diba? OA mo ah? Pfft"

Pag assure ko sa kanya, nilagyan ko ng biro para hindi halatang nalukungkot din ako at nagulat nalang ako ng ihilig niya ako sa dibdib niya.. Gusto ko humagulgol pero ayoko siyang pahirapan, kaya pinigilan ko muna yung luha kong bumagsak.. Naramdaman kong hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko.. I feel safe on his arms.. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya at naramdaman ko nalang na basa ang pisnge ko.. Takte naman, ang traydor ng mga luha ko.. I wish, bumagal yung oras tuwing magkasama kami..

Isang malaking kasalanan ang nagawa ko sa buong buhay ko ay, I already fell for you,My Perverted  Man. Pero ang kailangan ko lang gawin ay STOP This feeling for him..

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now