💍❤️💍

4K 112 1
                                    

Hindi ko namalayan nakatulog ako sa loob ng sasakyan dahil sa pagod ko.. Nagising ako dahil sa busina ng kotse sa isang silver gate.. Agad akong napaayos ng upo dahil sa tingin ko andito na kami..

"Maam, mauna na po kayo sa loob. Kanina pa po kayo hinihintay ni señiorito. "

Sabi sa akin ni Manong agad naman akong ngumiti dito...

"Ahm? ano po ba ugali ni Ford?"

Tanong ko sa kanya dahil kanina pa makati dila kong magtanong..

"Kayo nalang po ang umalam. tsaka po ayaw niya pong tinatawag na Ford, gusto niya po ay LEO"

paliwanag sa akin ni manong. Ang arte ah? Eh pangalan niya naman yun.. May ano sa Leo?

"Manong last na, bakit leo? bakit hindi ford? demanding pa siya ah?"

Tanong ko sa kanya at siya ay tumawa lang habang umiiling... Ano daw?

"mahabang storya po maam. Ang alam ko lang po ay childhood bestfriend niya lang ang tumatawag sa kanya ng FORD. eto po maam, kaya ayaw niya kasi may gusto sa kanya yung childhood bestfriend niya. Kaya simula nung nalaman niya, ayaw niya nang tatawagin siyang Ford ng kahit sino. And isa pa maam. Kaya LEO kasi yun ang tawag sa kanya ng taong ma---"

"Huyy Ken! Naiirita na si señiorito Leo dun. Patay ka!"

Singit na babala nung isang yaya na may hawak ng host.. Seriously? Gabi na nagdidilig pa rin siya? Hindi pa tapos magkwento si manong eh..

"Ayy. oo nga pala maam. Kanina ka pa hinahanap sa loob dun. Pasensiya ulit.. patay ako nito."

Sabi niya at kinuha ang gamit ko sa trunk ng sasakyan at nauna nang pumasok sa loob..

Nang makapasok ako, as in WOAH talaga! Golden double door ang bumungad sa akin.. Isang malaking hagdan na pa spiral ang style.. Inikot ko ang paningin ko at muntik na akong atakihin sa puso.. Anlapit ng mukha niya sa akin.. Ang heartbeat ko..

"Sorry, tomorrow your Lola is about to operate.. Pinalipat ko na rin siya sa Private Hospital ng kabarkada ko. No need to worry.. Private Nurse? Check. Bills? Check. Surgery nalang ang hinihintay.. after that, all therapy, medicine, bills. Si butler kim na ang bahala doon. All we need to do is MAGPAKASAL..... BUKAS..."

"BUKAS AGAD? as in TOMORROW?"

"May narinig ka bang iba na sinabi ko bukod sa BUKAS?"

Umiling lang ako. Aba may attitude itong lalaki na ito ah? Kung hindi lang talaga nako. kanina ko pa ito nasapak sa mukha pero wag sayang kasi ang gwapo niya.. Mukha siyang anghel na demonyo ang ugali.. Habulin siguro ito ng mga babae? Malamang Suzane! Mag isip ka nga.. Isa siyang SY. Brace yourself bawal ang mainlove dito..

"Yaya, bring her into her room.. Suzane? Take a rest, understand?"

Sabi niya sa akin at lumabas na ng bahay este MANSION.. Nakita ko siyang pinaharurot ang limited edition ng bagong sasakyan na nakita ko sa Magasin... Hayst. Makisama ka nalang, Suzane. 30 days lang ito..

"Miss, follow me to your room"

Wow ah? Pati yaya nagsasalita ng ENGLISH? Baka may requirements pa sila dito bago mag hire..

WE ARE HIRING AN INFLUENCE ENGLISH YAYA.. ganun? HAHAHAHA.

Sinundan ko na itong yaya na ito. Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya.. Pinagbuksan niya ako ng pinto and WTH?! ang kwarto ko ay Isang buong bahay na namin ah? Mayaman talaga ang mga Sy.. Hindi ako magugulat baka bukas sila na ang nangunguna na mayaman sa buong asia kaso hindi nila matatalo si MR. FINN RAFAEL WALTON ang pinakamayaman sa buong Asia in age of 12 years old..

"Kung may need ka po miss, just hilahin niyo lang po iyang tali agad po akong pupunta dito. Ako po ang naka assign sa inyo.. Magandang gabi po."

Paliwanag niya sa akin.. Ashoo. May ganito pala yun? Alam ko pang tamad lang ito diba? Tsk.

"Can you stop calling me MISS? And i think, mag kasing edad lang tayo. "

"Sa tingin ko rin nga eh. hehehe"

Pfft. Ang cute niya..

"Sige, magpahinga ka na rin????"

"Lily po"

"ahh? okay? Get some rest Lily.. "

Ang gaan ng loob ko sa kanya.. tumalikod na siya at sinarado ang pinto.. Agad ko namang dinambahan yung kama at naka position na parang star. Hayst. Anlambottttttttt.

"Pfft, Ang ganda niyo po pala."

OHHH! sht. Nagulat ako doon ah? Natawa lang ako at Tumayo na para ayusin ang gamit ko..

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now