👫❤️💍

3.2K 83 19
                                    

Ford's POV

"Yes,baby.. She is."

Yan lang ang tanging sagot ko kay Zian at umupo sa damuhan at inilapag ang mga bulaklak.. Kamusta na kaya siya kung nasaan man siya.. Hayst,may mahal ka na sigurong iba diyan? Sayang talaga siya. Kung nagawa ko lang siyang iligtas.. Edi sana kasama pa namin siya ngayon but everything has a reason nga naman..

"Let's go,zian. May homework ka pang gagawin."

Tumango lang siya at kumaway sa kalangitan.. Napapangiti ako tuwing nakikita ko itong batang ito. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina.. Ano kaya ang namana nito sa akin? Ang mata at ilong ay sa kanya at sa akin ay ugali? I guess..

Tumakbo na naman ang batang makulit papunta sa sasakyan namin.. Siya na ang nagbukas ng shot gun seat niya at nag seatbelt na rin ang loko.. Ginulo ko ang buhok niya pero nag glare lang siya sa akin.. Sabi na nga ba eh,sa akin nakuha ang attitude ni Zian.. He's a bossy baby..

Nang makarating kami sa bahay ay pinark ko na ang sasakyan sa garahe at nauna na naman si Zian as usual.. Pagpasok ko palang ay amoy ko na, na may nagluluto sa kusina..

"Mommmyyyy! I miss you already na!! What's that?"

Pfft. Biglang sigaw niya na may kulit sa tono ng boses niya and yes,parehas silang buhay..

Flashback:

Matapos kong magdasal ay bumalik na ako sa labas ng Emergency Room at sakto ang pagdating nang doctor at nurse. Buo na ang desisyon ko. Alam kong magagalit si Suzane sa desisyon kong ito pero wala na akong magagawa kundi siya ang piliin ko.. Lumapit na ako sa doctor at kila Shamesca that time..

"Doc,I've already decid----"

"Im sorry about that thing. Namali ako nang nasabihan.. Ang mag ina mo ay ligtas dumaplis lang ang bala sa gilid ng tiyan niya kaya nag flood ang dugo niya.. I'm sorry about a while ago.. Excuse me"

End of flashback

Diba? Nakakaasar yung doctor.. Hindi ginagawa ng mabuti ang trabaho niya.. Pero ang mahalaga ay naligtas ang dalawang tao na nagbibigay lakas sa buhay ko..

Flashback

"Bro! S-si Ylaine!"

Hinihingal na sabi sa akin ni Morphie sa akin nang may tumawag sa kanya sa cellphone.. Damn! Kailangan ko din siyang makita..

"Anong nangya---"

"She's dead.. "

Napapikit nalang ako ng matagal sa narinig ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko, kahit naman galit ako sa kanya ay may pinagsamahan din kami pero mali lang talaga ang mga nagawa niya and worst is ayaw niya pang magpakumbaba..

End of Flashback

Nakatingin lang ako sa mag-ina ko habang naglalambingan silang dalawa.. I'm really blessed dahil tinulungan ako ng Diyos to survive,all these past few years.. Si Ylaine, ang binibisita namin ni Zian tuwing susunduin ko siya galing school... Lumapit na ako sa kanilang dalawa at hinalikan si Suzane sa lips..

"Dad! Ayaw ko nang kapatid! Don't kiss my mom baka magka brother or sister ako agad.. I don't want to muna."

Biglang singit nitong batang makulit na si Zian.. Binuhat ko lang siya at nagyakapan kaming tatlo..

"Sali naman kami, Sis!!!"

Eto na naman ang mag syotang maingay.. Lagi kaya silang nandito para makipaglaro kay Zian. Ayaw pa kasi gumawa ng anak at ang anak ko ang pinagdidiskitahin dito eh.. Hahaha!

"Señiorito at Señiorita, andito na po iyong bagong yaya na hinahanap niyo"

Biglang pumasok si Butler Kim sa kung saan at lumitaw sa harap namin ni Zaza.. Ohh? The new yaya of my baby boy.. Ilang beses na akong nag hire ng yaya para kay Zian pero kahit isa walang tumatagal.. Ang pinakamatagal lang siguro na yaya sa kanya is 1 Week..
Ang bata-bata pa kasi masyado nang bossy nakuha sa ina niya..

"Pero, Señiorito at Señiorita? May kasama po siyang batang babae."

"No,its okay.. Papasukin mo na po, Butler Kim"

Tumingin lang ako kay Suzane at she just shrugged.. Anong problema nitong asawa ko? Correction hindi pa pala kami kasal. Pfft but soon..

" Goodmorning po, Sir and Maam"

Suzane's POV

ITS GOOD TO BE BACK IN MY POINT OF VIEW. Epal kasi yung si Ford eh! Anyways, masayang bumati sa amin ang bagong yaya para kay zian. Sa totoo lang,manang mana niya ang ugali ng daddy niya.. Masyadong bossy at mahangin..

"Waaaahhhhh! Babae! Halika let's play in our garden"

Hinila ni zian ang batang babae na kasama ng bagong yaya niya.. Mukhang magkakasundo itong dalawa na ito ah? Okay rin pala na may kasamang anak ang bagong yaya ni zian para hindi mahirap ang yaya niya makipaglaro dito..

Shamesca's POV

Andito kami nang boyfie ko na si Morris! Chos lang si Morphie Morris,naks! After 2 years ay sinagot ko din ang loko.. Sobra kasi kung mag effort.. Tina'ry ko lang naman kung kaya niyang maghintay kahit gaano katagal and he proved it so, i said my sweet yes to him.. Ngayon ang anniversarry  namin, hindi ko lang alam kung naaalala pa nang loko. Tsk, this is our 2nd anniversary and yet naghihintay ako ng gift man lang or pabulaklak. Tsk.

Nagsidatingan na ang mga kabarkada namin sa bahay ni Sis. In fairness,kahit nabuntis lalo siyang gumanda. Nako,nako,nako.. Hahaha! Nagulat ako sa mga nakita ko dahil andito sila Mama at Papa tsaka ang bagong kasal ulit noong kakasagot ko lang kay Morphie na si Demi at Ate Shaina. May nalalaman pang divorce - divorce, eh magpapakasal lang naman ulit..

Teka,nawala yung katabi ko? Asan na yung loko na iyon.. Nang humarap ako ay napatakip nalang ako ng mukha sa nakita ko.. Naiiyak ako na ewan na kinikilig..

"Will you say yes to me,my baby?"

Nakaluhod na tanong sa akin ni Morphie.. Gosh,kaya ba kanina ay iniwan niya ako sa salon at may bibilhin lang daw siya nang kung ano.. Kaya pala ngayon,mas lalo akong gumanda.. Chos.

" Tsk,Wait for 2years again.."

Asar na wika ko sa kanya at ang mga tao sa paligid ko ay napasinghap at yung kabarkada ni Morphie ay tinawanan siya.. Nanlumo si Morphie at nakita kong isasara niya na ang box.

"Subukan mo yang isara! Wait for 2 years. I mean,2 seconds.."

Sa isip isip ko ay nagbibilang na ako. Hindi ko na papakawalan ito! Shemay,kay gwapong lalaki baka masungkit pa nang malalandi diyan sa tabi tabi..

"1......2...."

Aba matindi?!? Sila ang nagbilang.. Hahaha! Letse lang ah,kinikilig ako ng sobra..

"Yes. Paiyak ka na eh. Mahal pa naman ang gatas ngayon.. Diba sis?"

Tinanong ko si sis, dahil paiyak na talaga ako.. Ayoko lang nilang makita,hahahaha..

"O-o naman"

Her Playboy Fiance Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang