💍❤️💍

4.4K 110 5
                                    

Ilang oras rin ang lumipas ay dumating na rin si Yaya.. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang gamit sa kamay niya at inipitan ang kamay niya ng pera agad naman niyang nagets ito.

"Iha. Ako na bahala dito. May niluto ako na ulam sa bahay. Kumain ka muna. Look at yourself, namumulta ka.. "

Natawa ako Kay yaya. Naisipan niya pang mag english ha? hahaha.

"Nag abala ka pa yaya, pero salamat na rin. Ikaw muna bahala ah?"

Sagot ko sa kanya at ngumiti ng may pait sa labi..

"Ayy. May naalala ako Anne. may nakita ako kaninang calling card ba Tawag dun? Sa drawer ng Lola mo. Pinatong ko dun sa lamesita. "

Nginitian ko nalang si yaya kahit may mga tanong na umiikot sa isipan ko.

Paglabas ko ay may nakita akong pusang itim pero hindi ko ito pinansin at sumakay na ng jeep..

Nang makasakay ako ng jeep ay may katabi ako na hindi ko ma explain ang itsura.. As in ALL BLACK siya. Masama kutob ko dito.. Kailangan ko na sigurong pumara?

"Manong para po--"

"Sige lang manong"

Aba'y bastos. Bigla nalang ako nakaramdam ng may matulis na bagay sa tagiliran ko..

"Ibigay mo lahat ng pera mo.. Wag kang magulo"

Sabi ng katabi kong goons. Sinuswerte ka nga naman oh!

"Wala akong pera. Wala kayong makukuha sa akin"

Bulong ko sa kanya ng may inis.. Sa nakakainis talaga eh. Naghahanap nga ako ng pera eh..

"Ahh talaga miss?"

Letse! Kinuha ba naman ang bag ko? Wala na akong magawa dahil wala na talaga akong pera kundi limang piso nalang..

"Ano? May nakita ka?"

Tanong ko sa kanya na paasar.. Sabi na nga ba kaya may itim na Pusa kanina kasi ngayon may itim na budhi din.

"walang kwenta."

Sabi niya sabay bigay ng bag ko.. I won.

"Manong ,para!"

Sigaw niya sabay baba ng sasakyan.. Mga Ilang minuto rin ay nasa bahay narin ako kung saan namulat ako sa katotohanan na mahirap lang ako.

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now