💍💞💍

3.1K 89 4
                                    

Author's note:

I forgot to tell that Happy 1k Reads.. Skl 😂 Thank you mga readers.

-----------------------

"Anong sabi mo?"

Napatahimik Ko nang may magsalita sa likuran ko.. Ayoko lumingon kaya pinanlakihan ko ng mata si Demi para iligtas ako kasi naman shemayyyyy! Si Shamesca yung nagsalita alam niyo namang tumitiklop ako pag siya na eh.

"Wala yun,Shamesca! Ikaw talaga oh! Namali ka lang siguro ng dinig"

Tsk. Buti naman at pinagtakpan ako nito kaso magsisinungaling na nga lang halata pang gawa gawa. Aish! I glare to him pero ayaw niyang tumingin sa akin.. Kasalanan niya ito..

"It was clear as transparent glass, i mean malinaw na malinaw ang mga narinig ko.."

Shoot! Wala na talagang lusot ito.. Paano ba ito? Nakita ko sa gilid ko na umupo si Shamesca sa couch at kumuha ng alak.. Iba rin itong babae na ito noh? Akala mo kung sinong anghel tas wild pala..

"Nga pala,kuya Demi pinapasundo ka sa akin ni Ate.. Patay ka hahaha!"

Sabi niya habang tinatakot si Demi.. Nang titigan ko siya habang tumatawa ay feeling ko bumabagal yung ikot at pagkilos niya.. Slow motion ganun. Parang bakla pero totoo itong nararamdaman ko..

"Sige,alis na ako! Ikaw na bahala kay Morphie ah?"

Aba!? Napakamautak nito ah? Alam kong ayaw niya pa uwuwi pero ayaw niyang ma-hoptseat ni Shamesca.. Yun na nga umalis na siya at kaming dalawa na lang ang natira.. Walang kibuan tanging paglapag lang ng shot glass ang tanging ingay..

"Ligawan mo muna ako.."

Muntik ko nang maibuga ang alak na iniinom ko dahil sa sinabi niya.. Seryoso siya? Umayos ako ng upo at humarap sa kanya..

"Seryoso ka?"

Ayy! anong klaseng tanong ito!? ano ba naman yan..

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Time is running.. Bye"

Pagkasabi niya nun ay nawala na siya sa harapan ko.. Ilang segundo din akong natulala dahil sa winika niya sa akin.. Eto na siguro ang simula.. Kaya ko ito.. Magpapatulong nalang ako kay Ford..

Suzane'sPOV

Andito na kami sa loob ng kotse habang pauwi na kami sa Mansion.. Wala parin kaming imikan simula kanina.. Actually,hindi ko din alam bakit ako nagiging ganito? Dati naman konting lambing lang niya ay bati na kami pero kanina bakit hindi?

Nakapasok na kami sa mansion at Ako ay dumiretso lang sa kwarto ko hindi sa kwarto namin.. Malalim na ang gabi kaya kailangan ko nang matulog,bahala siya tutal sanay naman yun..

Ford's POV

Ano ba kasing problema nun? Kanina pa yun hindi ako pinapansin ah? Hindi na nga din kami nakapunta sa matinong doctor ng Ob niya.. Ihahanap ko siya ng bago na doctor at sisiguraduhin kong babae na iyon.. Nagseselos siguro kanina dahil sa ginawa ko sa nurse pero kasi hindi pa tapos yun!! Pinangunahan niya ako,so ngayon hindi ako pinapansin.. Andito ako ngayon sa theater room kasama si butler kim at umiinom ng wine.. Pag ka uwi namin ay dumiretso sa itaas at padabog na sinara yung pinto.

"Nakakabadtrip lang kasi butler kim.. Bakit siya ganun? Dati naman ay konting lambing or halik ko lang sa kanya ay bumabalik na kami sa dati pero bakit ngayon?"

Reklamo ko kay butler kim at ininom ang wine na nasa wine glass na hawak ko ngayon..

"Señiorito Leo, iba na kasi ngayon.. Buntis siya"

Ehhhh?

"Anong connect nun,butler?"

"Pfft, Señiorito ganyan na ganyan din po kasi yung asawa ko nung nagbubuntis sa panganay namin..."

May experience pala si Butler kim eh? hindi na ako mahihirapan i-handle si Mrs. Sy.

"Butler kim,it seems madami kayong alam baka pwede mo akong bigyan"

Sabi ko sa kanya at tumawa lang siya? Ehh? Seryoso kaya ako basta pagdating kay Mrs.Sy.

"Katulad nga ngayon hindi ka pinapansin diba? kasi ang mga buntis sensitive sila kung magbuntis ibig sabihin konting asar or away niyo lang ay kailangan mas lalo mong lalambingin.."

Ohh? ganon pala yun? Hindi ko alam ah? Now I know.. Binaba ko ang wine glass at hinarap sinButler kim.. Mukhang magtetake advantage ako dito ah!

"BASTA señiorito,sensitive sila pagdating sa mga ganyang bagay and ang pinaka ayaw nila is tumitingin  or napapalingon ka sa ibang babae dahil sa isip isip nila nagtatanong sila kung PANGET NA BA AKO? TUMATABA NA BA AKO? Ganun sila,Señiorito.. Dina-down nila yung sarili nila pagnakikita nila na may nililingon ang asawa nila.."

WOW!! I'm so amused by that!

"Thank you,Butler kim.."

"Hmm,kaya bago pa magka world war III dito sa Mansion ay puntahan mo na"

Wika niya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.. Right,I need to serenade my lady..  Umalis na ako sa theater room at umakyat na para suyuin ang nagwawawalang buntis.. Tiningnan ko sa kwarto ko pero wala siya doon? Baka nasa kwarto niya and nang tingnan ko ay tama nga.. Andoon siya natutulog habang may yakap na teddy bear.

Sinilip ko siya at mahimbing na natutulog ang asawa ko.. Alam ko na ngayon na may alas ako tungkol sa maselang mong pagbubuntis kay baby boy ko.. Kahit hindi ko alam kung boy or girl ba yun ay thankful ako dahil sa taong mahal ko naman nanggaling..

Tinabihan ko siya at niyakap.. Dito na rin siguro ako matutulog dahil sasanayin ko na ang sarili ko na may kasama akong preggy piggy na pinakamamahal ko..

------------------

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagising ako dahil sa matinis na boses ng isang buntis.. Oo nga pala,susuyuin ko pa pala ito.. Paano nga ba?

"Masama ba na tabihan ko ang magiging asawa ko?"

Ang aga-agang langgaman nito pero ayos lang hindi naman ako magsasawa na pakiligin siya hanggat kinikilig pa rin siya..

"Letse."

Yun lang ang tanging nasabi niya at nagtakip siya ng kumot sa mukha.. Yes! Mukhang tumalab ang pakilig ko na sakanya ko lang ginagamit..

"You're cute when you get jealous.."

"Edi wow. Paano kasi mas maganda siguro sa paningin mo yung nurse! Ano kasi pangit na ako? tumataba? umiitim yung kili-kili? nagkakastrech-----"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita kaya sinunggaban ko siya ng halik na magpapatahimik sa kanya.. Tama talaga si Butler Kim sa lahat ng bagay..

"Sshhh.. Wala akong pakealam sa itsura mo hangga't mahal kita hindi magiging hadlang iyon.. I love you,my converse lady"

Namula na naman siya sa kilig.. Kung ganito lang din naman araw araw ang makikita kong mukha ay hindi ako magsasawang suyuin,lambingin,pakiligin at lalong lalo na ang mahalin itong babae na ito na soon to be my wife..

Demi's POV

HAHAHAHA ! Kahit ayokong umuwi ay wala na akong nagawa dahil baka macorner pa ako ni Shamesca doon.. Akalin mo yun umamin ang loko hahaha! Laughtrip ang mukha niya nang marinig niya na nagsalita si Shamesca.. Ano na kaya nangyari sa dalawa na yun doon? Nagkakadevelopt'an na kaya? Pauwi ako ngayon sa bahay dahil utos ni Shaina.. Hindi ko naman siya mahal sa totoo lang dahil pinilit lang ako ng mga magulang ko dahil sa business at nagkataon namang magkabatch kami ni Shaina kaya ganun nalang kadali na mahalin niya ako.. Ewan ko ba,sa tagal na namin hindi ko maamin sa sarili ko na mahal siya.. Natatakot kasi akong masaktan dahil nasaktan ko na siya ng sobra kaya hindi ko alam kung may pagmamahal pa ba sa puso niya para sa akin..

Napahinto ako ng pagdadrive ng may makita akong familiar na babae na may kahalikan and I immediately get out my car at tiningnan kung sino ba ang babae na nakatalikod mula sa akin..

"S-shaina?"

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now