💍💞💍

2.9K 77 5
                                    

Demi's POV

"S-shaina?"

Bulong ko sa sarili ko at hindi ko naman inaasahan na maririnig niya kaya tumingin siya sa direksyon ko na para bang walang gulat or bakas ng pangamba.. Ganyan na ba talaga ang epekto nang sobra sobra ko siyang nasaktan? Bakas sa mga mata niya ang lamig at walang ka emo-emosyon sa mukha niya.. Hindi ko namalayang wala na ang lalaking kahalikan niya..Gumaganti ba siya? Parang bumabalik sa akin ang sakit na nararamdaman niya noon na sa tuwing makikita niya akong may ibang babae..

"Ikaw pala magaling kong asawa."

Malamig na wika niya sa akin at may inabot na envelope.. Bakit ako nasasaktan nang ganito? Binuksan ko ang envelope ay parang gumuho ang mundo ko.. Ang masasabi ko lang is hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay ng wala siya..

"Anong ibig sabihin nito?"

Tumingin lang siya sa akin nang nakataray at ngumiti nang plastic.. Hayst.

"Pinapalaya na kita.."

"opps! Malaya ka na pala dati pa. I mean,just sign it and you're wild and free... again."

Bakit kailangan ng Divorce papers? Sobra sobra ko na siguro siyang nasaktan at ginawa ko siyang bato gamit ang sakit.. Nawala nalang siya sa harapan ko kaya bagsak ang dalawang balikat ko na pumasok sa kotse ko..

author's note:

Fast FORDward~ ^0^ (Ambilis daw ni Ford ^_^) Skl.

----------------------------------

Suzane'sPOV

Hayst,ilang buwan narin ang nakalipas simula nung tampuhan namin na iyon and kabuwanan ko na ngayon..Bakit kais kailangang i-fast forward ni author? Magjojoke pa waley naman..Hahaha peace tayoa author, baka patayin mo ako eh.. So,yun nga madami nang nagbago pero kami ni Ford hindi magbabago.. Si Shamesca at Morphie ay M.U na pero patuloy parin sa pag-effort si Morphie para mapasagot niya si Shamesca.. How sweet it is?. Si Lily at Ken naman masaya ako sa kanila dahil ang aso't pusa ay nagkatuluyan din.. Kay peter? Wala na akong balita simula non eh. Si Demi at Ate shaina is hiwalay na.. Yeah, naalala ko madaling araw na non at biglang may tumawag kay Ford na naaksidente daw si Demi kaya napasugod agad siya yun pala dahil kay Ate Shaina..

Ayaw niya pa kasing aminin na mahal niya na eh. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.. Si Ylaine? Tara uwian na, de joke lang. Wala na kaming balita sa kanya.. Si lola ay getting stronger,patanda na ng patanda.. At kami ni Ford naman ay binalak na naming planuhin ang kasal pero sinabi ko sa kanya gusto ko maging complete family kami sa picture in short paglabas na ni baby boy.. Yes! Our baby is boy,konting tiis nalang at makikita niya na ang mundo niya.. Bumili na rin kami ng bagong bahay para sa magiging pamilya namin.. Ang taba-taba ko na at malaki na sobra ang tiyan ko,pero worth it naman ito..

"Cj,nagugutom ako.. Gusto ko ng leche flan! Ibili mo ako yung mainit!!"

Niyugyog ko ang natutulog kong asawa para lang magpabili ng mainit na leche flan.. Saan kaya siya makakabili ng ganitong oras? It's 2 am in the morning.. Aish,problema niya yun pag nagutom itong anak niya..

"Ehhh, mommy saan ako makakabili nun. Anong oras palang oh?"

Wika niya sa akin habang nagpapapadyak ng paa sa kama.. Aba!? Nakuha pang magdabog nito ah??!

"Nagugutom ang anak mo kaya."

"Tsk,eto na. Wait for me mommy and my baby boy"

Wala na siyang nagawa dahil ginamit kong panakot ang anak niya pero mahal na mahal ko ito noh? Nagbibihis na siya ng pang itaas niya habang nakabusangot ang mukha..

"Pakibilisan daw sabi ni baby boy.."

"Yeah. Wait for me babaeng sobra kung makapaglihe"

Yun lang ang sinabi niya at kinuha ang susi ng kotse niya.. Hayst,kawawang Ford. Hahaha!

30 minutes later..

Antagal naman nong lalaki na iyon?! Saan ba naghanap iyon? Sa ibang planeta pa ba?! Aish! Nakarinig ako ng doorbell kaya malamang siya yun.. Nakakapanibago ah? Bakit kailangan niya pang mag doorbell eh bahay niya rin naman ito.. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan habang alalay ko ang tiyan ko na malapakwan sa laki..

"Alam mo bang an----hmpp! hmpp!"

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now