Incipit Prologus

7.7K 142 11
                                    


Hating gabi na nang utusan ko si Ford, na ihanap ako ng leche flan na mainit.. Kabuwanan ko na kaya sobra na ako kung maglihi.. Naiinip na ako rito sa bahay,nasaan na ba yung lalaki na yon? Naiirita na ako, Ford Cleo Sy!

Biglang tumunog ang doorbell at sa hula ko ay siya na yun... Dahan dahan akong bumababa sa hagdan habang salo salo ko ang malapakwan kong tiyan sa laki.. Nang buksan ko ang pinto ay may bigla nalang nagtakip sa bibig ko para mawalan ako ng lakas at makatulog kaagad ako..

---------

Nagising ako dahil sa isang malakas na halakhak na nagmumula sa babaeng nakatalikod mula sa akin.. Inaninag ko ang buong gusali wala itong kalaman laman na gamit.. Ako at tanging ang babae lang ang naririto..

"Pag ibig nga namang na makapangyarihan. Hahahaha!"

Hindi ako puwedeng magkamali.. Siya yun,nagbalik na naman siya? Anong kailangan niya sa akin? Sa anak ko? Kay Ford?

"Ylaine! Ilabas mo ang mag-ina ko!"

Sigaw ng familiar na boses ng isang lalaki.. Huwag kang pupunta dito , please..

"Baby,kapit ka lang ah?"

Bulong ko sa anak ko,hindi ko ito mahimas dahil na rin sa nakatali ang kamay ko gamit ang lubid..

"here's your money and return is palayain mo ang mag ina ko. Tumupad ako sa kasunduan,Ylaine!"

Binaba ni Ford ang isang bag na punong puno ng pera.. Pera? Aanhin naman ni Ylaine ang ganyang kadaming pera? Diba Mayaman sila? Anong nangyari..

"Don't look at me,preggy piggy."

Pambabanta na wika sa akin ni Ylaine.. Inirapan ko lang siya dahil sumasakit na yung tiyan ko..

"Well then, Ikaw na magtanggal ng lubid sa kamay niya..."

Lumapit sa akin si Ford at hinalikan ako sa noo at ang tiyan ko.. Agad niyang tinanggal ang pagkakatali nito sa mga kamay ko.. Inalalayan akong tumayo ni Ford dahil antagal kong nakaupo doon..

"Zaza!!!!!"

"A-ahhh! Ang anak ko!!!"

Hinipo ko ang tiyan ko at nakakita ako ng maraming dugo sa kamay ko.. Ang baby ko! Hindi maari. Hindi siya pwedeng mawala! Damn,witch! Humahagulgol na ako sa mga nakikita kong dumadanak na dugo.. Hindi pwede ito!!

"Suzane.. Zaza... wake up baby, Yung leche flan mo oh.."

Agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanya.. Thank God. Hinimas ko ang tiyan ko kung mayroon bang dugo pero wala.. Nakahinga ako ng maluwag.. Bad dreams,damn!

Her Playboy Fiance Where stories live. Discover now