1

23.7K 542 56
                                    

1

Ilang minuto na siyang nakayuko pero hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas ang kanyang hinihintay. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi sa sobrang pagkainip.

May tumapik sa kanyang baywang at nilingon niya ito. "Jun, wala pa rin?" Tanong ng isa niyang kaibigan.

Umiling si Juniel at muling sinilip ang loob ng conveyor. Napangiti naman siya nang nakikinita na ang kanyang bagahe. "There!" Masaya niyang iniabot ang itim niyang maleta.

"Finally!" Wika ng kaibigang si Reign na siyang tumapik sa kanyang balikat. Sa tabi ni Reign ay ang isa pa nilang kaibigang si Miles.

"Sorry, girls. Let's go?" Masayang aya niya habang inaayos ang lace ng kanyang camera sa kanyang leeg.

"Japan, here we go!" Sigaw nilang tatlo at lumabas na ng airport ng Japan.

Juniel is now a full-blown woman. She recently turned 26 years old two months ago. She is currently a freelance photographer. Hindi niya itinuloy ang pagiging inhinyero, sa halip ay kumuha siya ng ibang kurso at nag-aral sa New York University. She finished Bachelor of Fine Arts major in Photography and Imaging.

"Alam mo ba iyong hotel natin, Miles?" Tanong ni Juniel habang nakasilip siya sa bintana sa taxi na sinasakyan nila.

Nilabas ni Miles ang isang vicinity map. "Yep."

"Juniel, your promise." Singit naman ni Reign habang nag-aayos ng kanyang make up.

"Yes, Reign."

"Oras na mahanap natin iyong perfect subject para sa porftolio na ipapasa mo sa National Geographic, sasama ka sa Hawaii trip." Dagdag pa ni Reign at hinarap ang kaibigan.

Juniel raised her right hand. "I promise, Reign." Nakangiting sabi niya.

"Reign, do you really think Japan is the one?" Kuryosong tanong ni Miles.

"We'll see, Miles. We have Google. Duh." Maarteng ingos ni Reign.

Tinawanan na lamang siya nina Juniel at Miles.

Nakarating agad sila sa kanilang tutuluyang hotel.

Isang presidential suite ang kanilang kinuha na may tatlong kama. Kitang-kita ang napakagandang view ng Tokyo.

"Juniel, jacuzzi?" Aya ni Miles na nakasuot na ng bathrobe at ganun rin si Reign.

Umiling si Juniel. "Pass. I need to fix my things, girls."

Umirap lang si Reign. "Hay naku, buti na lang may jacuzzi dito or I'll die of boredom. Nataon pa namang autumn season ngayon, it sucks!"

Sinikuhan naman siya ni Miles. "Reign, ikaw talaga! Ang supportive mo kay Jun."

Natawa na lamang si Juniel. Well, she knows Reign really well. She loves partying and beaches too. Kaya naman sobrang mahal niya ang kaibigan dahil sinamahan pa rin siya nina Reign at Miles kahit walang gaanong activities ngayon sa Japan sa ganitong panahon.

"Why not watch Pikachu's parade later, Reign?" Pang-aasar pa ni Juniel.

Tanging middle finger ang isinagot ni Reign bago sila lumabas.

The Werewolf's BeautyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant