34

7.5K 257 39
                                    

34

"Daddy!"

Napangiti naman si Juniel nang yakapin ni Klauz ang kanyang Daddy Teagan nang makita niya siya.

"Oh my gosh! Hi, Daddy Teagan! Ang hot mo naman!"

Umangat ang isang kilay ni Juniel nang makitang nakiyakap na rin sa dalawa si Gigi.

What the hell Gigi?

"Hi, Gigi." Nakangising bati ni Teagan kay Gigi.

Di maiwasang tumikhim ni Juniel at hilahin palayo si Gigi sa asawa. Wala siyang pakialam kung isa siyang makapangyarihang diyosa.

"Aray! Problema mo?" Tanong ni Gigi.

"Asawa ko yan." Wika niya.

Sumimangot naman si Gigi, "Ito naman! Ang damot!" Lumapit sa kanya si Gigi at bumulong. "In fairness, matigas."

"What?"

"Masel niya matigas. Ikaw talaga ang manyakis mo na mag-isip. Bahala nga kayo diyan. Hmp!" Maarteng hinampas ni Gigi ang kanyang buhok sa mukha ni Juniel.

Naramdaman niya ang paghawak ni Teagan sa kanyang siko,"Is she really the nameless divinity?" 

Tumango naman si Juniel, "She is."

"Wow, never thought of her as a goddess. I mean she's this playful friend of yours."

Napangiti na rin si Juniel. Maging siya rin naman ay di makapaniwala na ang isang maharot na katulad ni Gigi ay isang diyosa pala.

"Daddy, magstay ka na po sa amin?"

Sabay silang lumingon kay Klauz. Hinaplos ni Teagan ang buhok ng anak. "Of course, son." Lumingon si Teagan sa kanya na may ngiti sa labi. "Dito lang ako sa inyo ng Mommy mo."

May kung anong humaplos sa puso ni Juniel dahil sa tinuran ng asawa. Nilapitan niya ang dalawa at silang tatlo ay mahigpit na nagyakapan.

Matapos makita ni Teagan ang kanilang anak na si Klauz ay dumiretso sila sa Dark World Council Assembly.

Doon ay pag-uusapan nila ang huling laban sa pagitan ng mga Resurgence, ang grupo nina Lucas at Ceazar at siyempre si Huong.

Magkahawak-kamay na binagtas nila ni Teagan ang daan papunta sa assembly. Pagkarating nila ay lahat ng mga naroon ay napatitig sa katabi ni Juniel.

Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Teagan sa kanyang kamay kaya nilingon niya ang asawa.

"You okay?" Mahinang tanong niya.

Lumingon si Teagan sa kanya, "I think they hate me."

Umiling-iling si Juniel at hinaplos ang braso ng asawa. "They don't. Halika na."

Tumango naman si Teagan at sila ay nagpatuloy sa paglalakad.

"Shit! You're fuckin' alive!"

Napangiti naman si Juniel dahil sa hitsura ni Ricker, nakikita niyang may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

"Are those tears, Ricker?" Nang-aasar na tanong ni Teagan sa pinsan.

"Fuck you!" Iniwas ni Ricker ang mukha tila ayaw ipakita ang mabilis niyang pagpahid ng mukha sa braso.

Nagtawanan naman ang lahat ng nandoon dahil sa mag-pinsan. "Sorry for what I did Ricker."

Umiling-iling si Ricker, "I understand. You did not understand what's happening around you that time." Bumuntong-hininga si Ricker, "Though, we're only a few now Teag. Everyone's... gone."

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now