12 (PART 1)

9.5K 312 26
                                    

12 (PART 1)

"What are you doing here?" Mahinang tanong ni Juniel at kinuha mula kay Teagan ang towel.

Bago pa man makasagot ang kausap ay lumapit na sa kanila si Lily, tila natutuwa.

"Mr. Mullen? Surprise seeing you here." Wika niya.

Naisip ni Juniel na mukhang hindi talaga palalabas na tao si Teagan. Marahil nga ay sa sarili niyang gym na lamang siya nagwoworkout.

"Well, I would like to try your gym here." Baritonong boses ni Teagan ay kanyang narinig.

Marinig lang niya ang boses ng lalaki ay nagwawala na ang kanyang sistema.

Tila natuwa si Lily at tinawag ang isang kasamahan na lalaki, "Mr. Mullen, what program would you like to have? We have 4-week and 8-week programs here."

Tinignan siya ni Teagan. Masyadong malalim ang titig niya kung kaya't napapahawak siya nang mariin sa treadmill. "How about her?"

"Huh? / "P-Po?" Sabay na wika ni Lily at nung lalaki.

Hinila ni Teagan si Juniel palapit sa kanya. He is holding her exposed waist!

Nanginig ang kanyang kalamnan dahil sa init ng palad ni Teagan. "My stay depends on her stay."

Napatingin ang dalawa sa kanya. Nahihiyang napangiti si Juniel. "Ahm, hindi rin naman ako magtatagal. Once I'm finished with my project, I'll go back to our house in Muntilupa."

Ang bahay ng kanyang mga magulang ay nasa Muntilupa at ang building ng Big Views ay sa may Las Piñas. Sa Quezon City ngayon kasi ang kliyente nila kaya pansamantala lamang siyang nandoon.

Wala sa sariling tumango-tango ang dalawa at iniwan na sila.

Doon na nakakuha ng pagkakataon si Juniel na kausapin si Teagan na mahilig gumawa ng eksena!

Pero ang walang hiyang si Teagan ay pumunta na sa may stationary bike. Medyo alangan pa siyang pumunta dahil nakalupon ang mga ilang kababaihan doon.

Dahil sa napakagwapong nilalang na nakikita ay nakalimutan na yata ng mga babaeng nandoon ang dahilan kung bakit nasa gym sila.

Merong nangingisay sa kilig dahil sa lalaki. Naglabasan rin ng mga phone ang ilan, vinideohan ang seryosong si Teagan.

Tss! Attention seeker!

Tumalikod na lamang siya at dumiretso papunta sa may mga dumb bells.

Pumuwesto siya sa mga workout mats. She inhaled and exhaled then she started squatting while lifting the little dumb bells.

Pagkatapos ng routine sa pagbubuhat ay nagsimula na siyang magpush-ups.

Pokus na pokus na siya sa kanyang ginagawa nang makarinig siya ng komosyon sa kanyang likuran.

"Mr. Mullen! Markus!" Sigaw pa ni Lily.

Napatigil siya sa ginagawa at inusisa ang nangyayari.

Napatayo siya agad nang makita si Teagan na napakabagsik ng aura at hawak-hawak ang neckline ng damit ng lalaking nagngangalang Markus.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now