31

5.8K 240 54
                                    

31

TWO YEARS LATER

Niyakap niya ang asawang nasa tabi, na ngayon ay takot na takot dahil sa masamang balitang dala ni Brooks.

Umiling-iling si Brooks nang makaharap ang mag-asawang si Galen at LA. "We lost another pack, Lord Highness."

Yes, Galen is the new Lord Highness of the whole Dark World. It happened because the late Lord Highness Holmes was killed by a deity named Huong during a battle, a battle which they were the losers.

"Galen, patuloy na lumalakas si Lucas." Wika ni LA na punong-puno nang pag-aalala ang boses. "Kung sanang hindi lang natuloy ang pagpatay kay Teagan, hindi sana mangyayari 'to."

Hinaplos-haplos ni Galen ang asawang takot na takot at umiiyak. "Sweetheart, we're going to be fine. We just need to be more careful, too many traitors happened. You should trust me, okay? Only me."

Tumango-tango naman si LA at niyakap ang asawa, "Pupuntahan ko lang ang mga anak natin." Paalam ni LA at umalis ang asawa sa kanyang study room.

Napahilot sa kanyang sentido si Galen at pagkaraan ay sinuntok nang pagkalakas-lakas ang pader sanhi para mabutas iyon at kita na ang loob ng kabilang kwarto.

"We are slowly losing the werewolves. Fuck!"

Napayuko lang si Brooks dahil maging siya ay walang mahanap na solusyon ngayon kung ano ang gagawin para matapos na ang matagal na hidwaan sa pagitan ng Resurgence at Dark World.

Ang Resurgence ang bangong pangalan ng organisasyon ni Hunt na sinuportahan ni Ceazar para makuha ang hinahangad para sa kanyang pamangkin na si Lucas Pratt.

"That Huong. We need to kill that asshole!" Galen uttered while his teeth grit. "Leave, Brooks. Tell all the leaders to let us meet in the Dark World Council room."

Brooks bowed his head. "Yes, Lord Highness."

Napatingin sa may bintana si Galen. Nauubos na ang kanyang magagaling na lider, gaya na lamang ni Rameses na pinatay ni Ceazar matapos patayin ni Lucas ang kanyang walang labang pinsan na si Teagan at ang kanyang mag-ina.

Kumuyom ang kanyang kamao nang maalala ang gabing gumimbal sa buong Dark World.

Ang pugot na ulo ni Teagan ay yakap-yakap ng asawa ni Rameses. Habang ibinitin sa tapat ng kabahayan ng mga Rusch ang walang buhay na sina Juniel at Klauz.

"I'll avenge for your family, Teagan. Just like what I promised you." Then a tear rolled down his cheek because of the pain he feels.

Binigo niya ang pinakamalapit niyang pinsan, hindi niya kailanman makakalimutan ang ginawa ni Teagan para kay LA noong mortal pa ang asawa. Alam niyang pinrotektahan ni Teagan si LA noong mga panahong hinahanap siya ng asawa sa gitna ng digmaan sa pagitan din nina Hunt at ng mga Vlahos noon.

Pero ngayon, bigo siyang mailigtas ang kanyang mag-ina, maging si Teagan mismo. Hindi lamang iyon, halos maubos din ang mga Mullen dahil sa kahayupan ni Lucas na malakas ngayon dahil sa presensya ni Huong, hindi maintindihan ni Galen bakit hindi pa tuluyang nilulubayan ni Huong si Lucas at ang Resurgence gayong patay na rin si Teagan at ang pamilya niya.

"I need an ally." He talked to himself. "An ally that could beat Huong."

                                Kinabukasan ay dumating ang araw nang pagpupulong niya kasama ang mga matataas na miyembro ng Dark World Council.

Kasama na ang kanyang asawa na si LA at dumagdag din si Ricker bilang kapalit ni Rameses, ibang-iba na rin si Ricker, palaging seryoso ang hitsura at laging gigil makipagpatayan sa mga Resurgence dahil sa nakita niya ang sinapit nang malapit na pinsan at ng mag-ina ni Teagan.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now