17

9.5K 267 37
                                    

17

Papalit-palit siya ng pwesto sa paghiga, pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Kaya naman bumangon muna si Juniel at lumabas sa isang malaking sliding door upang makapagpahangin sa balkonahe.

Dalawang araw siyang hindi nakatulog ng dahil sa mainit na tagpo nilang dalawa ni Teagan sa kanyang opisina.

Sa pagsagi ng tagpong iyon sa kanyang isip ay napahawak siya sa kanyang magkabilaang pisngi at dinama kung gaano kainit iyon.

"Damn it, nakakahiya." Mahinang mura niya sa sarili.

Pakiramdam niya ay napakababa niyang babae, iyong easy to get.

Well you're not virgin anymore though.

Bigla siyang nalungkot at nanliit sa sarili. Karapat-dapat pa nga ba siya kay Teagan kahit may nakauna na sa kanya?

She could still remember that she gave her V-card to her late ex-boyfriend, Helios.

Siya ay malalim na bumuntong hininga.

"You are not sleeping again."

Nanlaki ang mga mata niya, lumingon-lingon siya sa paligid at muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan ng isang katawan na mula sa itaas ang tumalon sa kanyang harapan.

"Teagan!" May kataasang boses na saad niya.

Sinenyasan siya ni Teagan na tumahimik. Itinikom niya ang bibig at lumapit sa kanya, iniipit ni Teagan ang dalawang palad sa pagkabilaang tenga ni Juniel.

"What are you doing here, Teagan?"

"Guarding you. Dalawang araw ka ng hindi natutulog. What's wrong, baby?" Masuyo niyang hinalikan ang talukap ng mga mata ni Juniel.

Hinawakan niya ang kamay na nakahawak sa kanyang tainga. "I just can't sleep. I-I'm thinking." Bahagya niyang iniiwas ang tingin.

"What is it?" Pilit itinatapat ni Teagan ang kanilang mukha sa isa't isa.

"I-It's... ugh, this is so embarrassing." Inis na saad ni Juniel.

"Come on, tell me. Hind pwedeng lagi kang puyat."

Pasimpleng sinuntok ni Juniel ang dibdib ni Teagan.

"Ikaw kasi! Never do that again."

Nangunot ang noo ni Teagan. "Do what?" Napanguso naman si Juniel, nag-isip pa si Teagan at biglang nangislap ang mga mata at pilyong ngumisi. "Ah, iyon ba? What's so shameful about it? Sarap nga eh."

Sinuntok niya sa braso si Teagan. "Gago! Hindi ka na makakaulit pa."

"Ops, huwag magsalita ng tapos. Ayan nga hindi ka makatulog, don't worry we'll do it frequently." Biro pa niya at humalakhak.

Namula naman ang mukha ni Juniel. "Diyan ka na nga." Sagot niya at pumasok na sa loob.

"Hey, wait." Hinabol siya ni Teagan sa loob.

Kaagad na humiga sa kama si Juniel at nagtalukbong sa makapal na kumot.

"Juniel." Masuyong tawag ni Teagan.

"Go away."

"I'm not going, come on. I'm sorry. Sige na, hindi ko na gagawin 'yon." Sinsero niyang sabi.

Nanatiling tahimik ang paligid. Dahan-dahang ibinaba ni Juniel ang kumot hanggang sa leeg.

"Importante sa inyo yun di ba?"

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now