10

8.8K 321 20
                                    

10

Anim na oras na ang nakakalipas ay wala pa ring malay si Juniel. Inuwi siya ni Teagan sa mismong condo unit ng dalaga.

Nakahiga sa kanyang kama si Juniel habang nakaupo sa may gilid ng kama niya si Teagan.

Hawak-hawak ni Teagan ang kamay ni Juniel at hinahaplos-haplos iyon.

"Anong ginawa nila sa'yo?" Mahinang tanong niya sa nakapikit na dalaga.

Nakakaramdam ng galit si Teagan dahil sa paghihirap na nararanasan ni Juniel.

Bakit tila sakit lamang ang mararanasan ni Juniel sa tuwing maalala niya ang kanilang nakaraan? Ang kanilang pag-iibigan. Para bang masakit mahalin ang isang katulad niya.

"I wish I could take the pain away." Dagdag niya at hinalikan ang kamay ni Juniel.

Sa paghalik niyang iyon ay dahan-dahang nagmulat ang mga mata ni Juniel.

"Hey, how do you feel now?" Alalang tanong niya habang hinahawi ang buhok ni Juniel.

Ngumiti naman si Juniel. "It happened again, right?"

Tumango si Teagan, alam niyang ang tinutukoy ni Juniel ay ang pagkakahimatay niya sa tuwing may maaalala siya.

"I'm sorry for the trouble, Teagan." Paumanhin sa kanya ni Juniel.

Umiling-iling si Teagan at hinalikan siya sa noo. "Do not say sorry. I made it my sole responsibility to protect you and care for you."

Inilapat ni Juniel ang isang palad niya sa kanyang kanang pisngi. "The memory that I saw, you were sad...really sad." Malamyos ang kanyang boses habang nagsasalita.

"Am I?" Teagan said. He is savoring her gentle touch on his face.

Tumango si Juniel. "You kept on saying sorry. You were cursing and you said you do not want me to forget you. But..." she stopped. "I did."

Tikom lamang ang bibig ni Teagan. Hindi niya alam ang sasabihin pero may kaunting tuwa siyang nararamdaman dahil unti-unti siyang naaalala ni Juniel.

"My mind totally forgot you but my heart... my heart, I think it recognizes you." Dagdag pa ni Juniel.

Ngumiti naman si Teagan at kinuha ang kamay ni Juniel na nasa kanyang pisngi at hinagkan iyon.

"Really? That's what matters to me most. At least, your heart recognized me."

"Are we really in love with each other?"

He nodded. "Truly, madly and deeply."

Nakatitig lamang si Juniel sa kanya.

Napanguso naman si Teagan, "Why? Di ba ka-inlove in love pagmumukhang 'to?" Biro niya.

"That's not it. Now I know. Kaya pala kahit ilang araw pa lang tayong magkakilala, laging may kakaiba sa puso ko sa tuwing makikita kita." Paliwanag ni Juniel. medyo namula ang kanyang pisngi kaya ngumisi si Teagan.

"Since our hearts have mutual understanding, are we now official?" He asked.

Nanlaki naman ang mga mata ni Juniel. "W-What? No!"

Kumunot naman ang noo ni Teagan. "Why no?"

"Kasi..." Humalukipkip si Teagan, waiting for her explanation. "Hindi dapat ganun, of course, we need to take it slow and do it the right way. If you know what I mean." Iniwas niya ang tingin kay Teagan pa siyang ngumisi.

"I see. Liligawan kita." He held her chin so their eyes could meet. "I'll do it in my own way. The Chairman way. Got it, baby?"

Para namang nahihipnotismo si Juniel sa mga maiitim na mga mata ni Teagan. "O...kay."

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now