4

13.2K 393 59
                                    

4

Paglabas niya ng common bathroom ay naroon si Teagan, nakasandal ang likod sa pader at naghihintay sa kanya.

Dinala siya ni Teagan sa banyo upang maligo at makapagbihis.

Nagtataka naman si Juniel dahil naging tahimik ang lalaki. Wala ring emosyon ang mga mata niya.

Hindi man kumikibo ay pinangko siya kaagad ni Teagan at dinala sa nakahanda na nilang tent.

So we'll still continue our camp.

May bonfire na ring nakahanda at dalawang maliit at mababaw na upuan.

"Are you okay?"

Si Juniel na ang bumasag ng katahimikan habang sila ay naghahapunan na.

Hindi sumagot ang lalaki, sa halip nilagyan niya ng juice ang baso ni Juniel.

Napaangat ng kilay si Juniel.

What is wrong with this man?

Kinuha niya naman ang baso at uminom doon.

"Who's Helios?" Biglang tanong ni Teagan.

Natigil si Juniel sa kanyang pag-inom.

"Hah?"

Lumingon si Teagan sa kanya. "Who is he to you?"

Ibinaba ni Juniel ang baso. "He is my f-first love." She felt sad about her answer and she doesn't know why.

She is uncertained but she saw a glimpse of pain in his eyes.

"Where is he?"

Nilaro-laro ni Teagan ang mga kahoy na kasalukuyang nasa bonfire.

"He died from an accident."

Napangisi naman si Teagan tila di makapaniwala at napapailing pa siya.

"Fucking witches." He whispered.

Nangunot ang noo ni Juniel dahil palagi na lang bumubulong si Teagan, "Anong sinasabi mo diyan?"

Lumingon ang lalaki sa kanya. "Natapos ang dalawa sa inyo dahil naaksidente siya?"

Umiling si Juniel. "Hiwalay na kami bago ang aksidente. H-He cheated on me."

Hindi alam ni Juniel tila di siya naniniwala sa kanyang sariling mga alaala. She remembers that Helios cheated on her so they broke up. That's it.

Pero bakit pakiramdam niya may mali?

"Was there a man after him?"

Silang dalawa ay nagkatitigan. Hindi alam ni Juniel bakit ganun na lamang ang pagbabago sa mga mata ng lalaki. Ang mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tila nagmamakaawa rin ang mga ito. Para bang naghahanap ng pag-asa.

Naningkit ang kanyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Para bang may sinasabi ang kanyang puso ngunit ang kanyang utak ay tila nananakit sa tuwing may nais siyang malaman kagaya na lamang ng mga tanong ni Teagan.

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon