WAKAS

13.6K 505 106
                                    

WAKAS

Malalim na sa pagkakatulog si Juniel nang biglang may malakas na pag-iyak ng isang sanggol siyang narinig.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at akmang babangon na siya pero narinig niya ang boses ni Teagan.

"Ako na." Wika ng asawa at hinalikan pa siya sa noo atsaka tuluyang bumangon upang puntahan ang pagkalaki-laking crib na nahahati sa apat.

Nakatayo na ang kanyang asawa pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang kanilang anak.

Kaya walang nagawa si Juniel kung hindi bumangon na rin at pumunta sa bukas na pintuan. Adjoining room kasi ang dalawang kwarto, ang isang kwarto ay ang kanilang master's bedroom habang ang kabila ay para sa kanilang mga anak.

Sumandal si Juniel sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan si Teagan na patuloy sa pagpapatahan sa anak, pero malakas pa rin ang iyak niya.

"Did you check his diaper?"

Napalingon si Teagan. "I did. Nothing is there." He answered with confusion.

"He must be hungry, dalhin mo siya rito. Baka magising pa niya mga kapatid niya."

Dali-daling lumapit si Teagan sa kanya at inabot ang kanilang anak. "Hungry, baby?"

Napangiti naman si Juniel sa hitsura ng kanilang anak. Namumula ang pisngi at ilong dahil sa iyak. Bumalik siya sa kabilang kwarto at dali-dali siyang umupo sa dulo ng kama. Hinawi niya ang neckline ng kanyang nighties dress at inilapit ang kanang dibdib sa kanyang anak.

"Ouch! Dahan-dahan lang naman anak, nasasaktan si Mommy." Napangiwi siya dahil biglang sunggab kasi ang anak sa dulo ng kanyang dibdib.

Nadinig niya ang paghalakhak ni Teagan na ngayon ay nakahalukipkip sa harapan niya. "Mana sa Daddy." Mayabang pa na wika ni Teagan.

Inirapan ni Juniel ang asawa. "Ewan ko sa'yo." Inis na wika niya at hinaplos-haplos ang mukha ng anak habang tahimik na sumisipsip ng gatas mula sa kanyang dibdib.

Nangunot naman ang noo ni Juniel dahil sa biglang katahimikan kaya muli niyang hinarap ang asawa.

Kinagat niya ang loob ng pisngi para mapigilan ang pagtawa dahil sa hitsura ng asawa. Nahuli lang naman niyang titig na titig si Teagan sa dibdib niya at pagkatapos ay napapalunok pa dahil nakikita niya na enjoy na enjoy ang kanilang anak sa kanyang dibdib.

Kinausap ni Juniel ang kanyang anak, "May naiinggit no baby Barro?"

Narinig niyang kunwari ay umubo si Teagan, "Tss. Kainin ko iyong kabila diyan eh."

Binigyan niya nang matalim na titig ang asawa, "Asa ka pa."

"A-Ano?" Asar naman na sabi ni Teagan.

Juniel slightly tilted her head while staring at her husband who looks frustrated, "Mag-tiis ka. Soccer team diba? Ayan quadruplets agad ang inire ko para sa'yo."

Mahinang tumawa naman si Teagan at tumabi na sa kanya sa pagkakaupo sa kama. "Nakakalima pa lang tayo. Ang alam ko, kailangan otso yata ang miyembrong naglalaro sa soccer."

Umawang ang bibig ni Juniel dahil sa sinabi ng asawa, "Teagan, ginawa mo akong baboy!"

"Sshh." Inilapat ng asawa ang hintuturo sa kanyang mga labi. "Ito naman hindi maasar. Lugi rin naman ako rito no."

"Anong luging pinagsasabi mo diyan?" Litong tanong niya.

Bumuntong-hininga ang asawa at napahilot sa noo, "Dami ko kasing kaagaw diyan oh." Ininguso niya ang kanyang dibdib. "Di ako makasingit, apat agad nakapila!" Dagdag pa niya.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now