35 (THE FINAL CHAPTER)

8.1K 329 41
                                    

35
THE FINAL CHAPTER

Pinatumba ni Teagan ang medyo malakas na miyembro ng Resurgence, isa lang iyon pero parang tatlong Upgrades ang kanyang nakalaban dahil sa sobrang tibay niya, hirap siyang durugin ang bungo nito.

Nang mapatumba niya ay saka naman siya nagpahid ng dugo sa kanyang pisngi. Hindi niya namamalayan ay may isang bultong tumama sa katawan niya sanhi para bumagsak siya.

"Fuck!"

Napapikit siya sa sakit, sa tingin niya galing sa ere ang bumagsak sa kanya dahil sa pwersa at dumagan ang balingkinitang katawan sa kanya.

Natigilan siya nang maramdaman ang pamilyar na kalambutan na iyon kaya mabilis niyang idinilat ang mga mata. "Juniel!" Ang asawa pala niya ang bumagsak sa kanya.

Umangat ang ulo ng asawa at doon ay nakita niya ang dugong namuo sa gilid ng labi ng asawa at parang nanghihina siya. "Teagan."

"Shit!" Maingat niyang inakap ang mga braso sa baywang ng asawa at dahan-dahang bumangon.

Nag-igting ang kanyang panga nang makita ang papalapit sa kanilang dalawa, walang iba kung hindi si Huong.

"He's really strong, Teagan." Wika ng asawa habang dahan-dahan na silang tumatayong dalawa.

"Can you still fight?" Tanong ni Teagan.

She looked at him, "I can. This is our fight, Teagan."

Nilingon niya ang asawa, nakita niyang determinado ulit ang kanyang asawa na labanan si Huong na wala man lang galos ang katawan.

His wife is right, this is now their fight. Huong is their final battle. "We'll do this together, Juniel."

Nadinig niyang humalakhak si Huong, "Your love will be the death of you."

"Oh no, our love will be the death of you Huong!" Nilingon ni Teagan ang asawa at isang tango lang ay umangat sa ere si Huong at tila may kung anong kadena ang nakapalupot sa kanyang katawan.

Walang anu-ano ay nilusob ni Teagan si Huong. Malakas at mataas ang kanyang pagtalon. Pagkalapit niya kay Huong ay niyakap niya ito. "Release now!" Utos niya kay Juniel.

Walang anu-ano ay patiwarik na ibinagsak ni Teagan si Huong sa lupa. He heard a loud crack, he probably hit his neck which is really his intention. He intends to break this stupid deity's bones!

Pero nagkamali si Teagan, walang anu-ano ay nakabawi si Huong. Kita niyang bali ang leeg niya dahil nakatagilid na iyon. Pero walang anu-ano ay parang robot lang si Huong na ibinalik sa ayos ang kanyang leeg.

"I must say, you're stronger now Dragus. But not enough to destroy me."

Nakita niyang inangat ni Huong ang kanyang kanang kamay, pero may isang manipis na ugat ang tila lumatigo sa pulsuhan ni Huong sanhi para maputol ang kanyang kamay, napasigaw si Huong dahil sa bigla.

Nilingon ni Teagan si Juniel na may gawa noon kay Huong. Kinindatan ni Teagan si Juniel habang ngumisi naman pabalik si Juniel.

Muli ay hinarap niya si Huong at walang anu-ano ay mabibilis at malalakas na suntok at sipa ang ibinigay niya kay Huong. Natatamaan niya sa mukha, panga, dibdib, binti at tiyan si Huong. May malademonyong ngisi si Teagan habang natatamaan niya ang nilalang na sumisira sa pamilya niya.

Isang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni Teagan nang sinakal niya ang leeg ni Huong at malakas na tinumba niya ito sa lupa.

"Destroy his head now!"

Lumapit si Juniel habang may namumuong kuryente sa kanyang mga kamay. "You think it would work?"

"Just do it!" He shouted.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now