13

8.2K 268 9
                                    

13

"Morris!" She giggled when Morris welcomed them. Kaagad siyang lumuhod at niyakap ang aso. "I missed you, Morris!"

The cute samoyed barked and kept on brushing its head on her body.

"He still likes you." Teagan commented.

Tiningalaan niya si Teagan. "Anong ibig mong sabihin?"

Itinayo naman siya ni Teagan. Hinawakan niya ang kanyang baywang gamit ang isang braso. Hinawi niya ang tumatakas ng buhok.

"Bago mabura ang alaala mo, madalas mong kasama si Morris. He's like your bodyguard that time."

Ngumiti naman si Juniel. "Talaga? Kaya pala magaan din ang loob ko sa kanya."

Pinisil ni Teagan ang kanyang baywang at iginiya siya papunta sa kusina ng bahay. Nakasunod sa kanila si Morris.

Marami silang pinag-usapan ni Teagan habang kumakain. Tungkol sa kani-kanilang pamilya at trabaho.

"Damn. Nakakatamad pumasok sa trabaho. Wala ka na sa building." Nakangusong sabi ni Teagan habang inihahatid siya sa kanyang unit.

Dalawang araw na lamang sila sa Alpha Tech at babalik na sila sa kanilang opisina sa may Las Piñas. Ibig sabihin din niyon ay sa bahay nila sa Muntinlupa na rin siya uuwi.

Nginitian niya si Teagan, paano parang bata kasi siya dahil sa nakanguso niyang mga labi.

Naningkit ang mga mata ni Teagan, "You like it, don't you? Parang masaya kang aalis ka na." Mas nanulis pa ang kanyang nguso.

Oh! Why so adorable?

Sa sobrang pagiging adorable ng kaharap ay nilapitan niya si Teagan, tumingkayad pa siya at hinalikan ang pisngi. "Ang cute mo po kasi, Chairman."

"Cute? Tss!" Sumimangot naman siya.

Tumigil na sila paglalakad ng nasa may harapan na sila ng kanyang unit. Nilingon niya ang kasama. "Thank you, Teagan. I really enjoyed this day." Sinserong sabi niya.

Itinuro naman ng hintuturo ni Teagan ang sarili niyang labi. "Kiss ko. Ayoko ng smack. I want a passionate and longer one."

Napakurap-kurap naman si Juniel sa tinuran niya.

"Ayaw mo? You're not really thankful then. Makaalis na nga." Akmang aalis na siya pero napigilan niya si Teagan sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso.

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa malapad niyang balikat. Tumingkayad si Juniel upang abutin ang kanyang maninipis at mapupulang labi.

Umigkis paikot ang mga braso ni Teagan sa kanyang baywang. Nakapikit nang mariin ang dalawa habang nagpapalitan nang matatamis at maiinit na halik.

Isang di mapaliwanag na init ang nararamdaman ni Juniel habang ginagalugad ni Teagan ang kanyang bibig. Nagbubungguan na ang kanilang ilong ngunit walang gustong tumigil sa kanila.

Isinandal pa siya ni Teagan sa pintuan ng kanyang unit. "Damn, so soft. So delicious." Napapaos na sabi ni Teagan sa pagitan ng kanyang mga halik.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now