32

5.8K 234 22
                                    

32

"Ayaw mo ba talaga akong sumama, Juniel?"

Mahigpit niyang itinali ang kanyang suot na Gothic ankle leather boots bago tumayo at hinarap si Gigi.

"Hindi na. Kailangan ko nang magbabantay kay Klauz at para na rin may mga kasama ang mga anak ni Ate LA."

Napanguso naman si Gigi, "Ginawa mo akong babysitter."

Humalakhak naman si Juniel at humarap sa salamin para tignan ang sarili.

Her waist length dark brown hair is in high ponytail. She looks like a female action star because of her all black outfit.

Ang suot niya ay isang hapit na hapit na itim na tank top na umabot lang hanggang itaas ng kanyang pusod at kapares nito ay itim din na cargo pants.

Juniel looks like a hot action star, just like Lara Croft.

"Wow, Mommy. You're so cool." Yumakap sa baywang niya ang kanyang anak na si Klauz.

She gently caressed her son's chin. "Really, baby? Dito ka lang, okay? Kasama mo si Auntie Gigi."

"Okay. Mommy, beat those monsters! Grrr."

Sabay silang natawa ni Gigi dahil sa napakacute na gesture na iyon ni Klauz. "I will baby. Tapos ibabalik ko si Daddy mo rito."

"Yes! I miss Daddy Teagan so much!"

Pinakatitigan niya ang anak na nagtatatalon sa tuwa at excitement.

I promise you Nikolauz Danill, I'll bring Daddy home.

Hinalikan niya nang maraming beses ang anak bago lumabas ng kwarto kung saan sila ngayon naglalagi sa bahay ng mga Rusch.

Kasabay niya sa kanyang paglabas ng bahay ng mga Rusch ay si LA na may napakaseksi din na get up, halatang handa na sa laban na kanilang susuungin. Napahagikgik naman si Juniel nang taasan siya ng kilay ni LA nang pasadahan ang kanyang katawan.

"You're so sexy. Akitin mo na lang mga kalaban tsaka mo patayin." Biro pa ni LA at sabay silang pumunta sa lugar kung saan naghihintay ang mga maraming helicopters.

Pagkasakay nila sa isang helicopter ay sinimulang suotin ni Juniel ang half-finger combat gloves na kulay itim. Habang ginagawa niya iyon ay naramdaman niyang may nakatitig sa kanya.

Sabay-sabay umiwas ng tingin ang ilang mga kalalakihan na mga kasama niya sa helicopter. Napangisi naman siya dahil nabasa niya ang nasa isip ng mga iyon.

She's so hot.

Teagan's wife is a total bombshell.

Napailing na lamang si Juniel at sunod na kinuha ang isang black tube quiver na may mga lamang matutulis na pana. Isinuot ni Juniel iyon sa kanyang likuran. Sunod ay kinuha niya ang kanyang magaan na recurve bow.

Ilang minuto pa ay lumapit sa kanila si Ricker na shirtless at handang-handa na sa kanilang planong pag-atake.

"Ten minutes and we'll land already. You know the drill, a Resurgence is a Resurgence. Do not hesitate in killing or cutting their heads off."

Nakahanap sila ng isang kuta ng mga Rusurgence sa may Siquijor.

Tama, nasa Pilipinas sila ngayon at alas dos na nang madaling araw nang lumapag sila sa isang tagong gubat.

"Ricker," nilapitan niya si Ricker na pinapanood ang mga papalabas na kasama sa helicopter. "Are we going to kill too the werewolves if they happened to be here?"

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now