18 (SPG)

10.1K 342 38
                                    

18 (SPG)

"Let's go somewhere."

Natigilan siya sa paglalaro ng hintuturo sa dibdib ni Teagan. Bahagya siyang tumingala upang magtagpo ang kanilang mga mata. Nakahiga silang dalawa ni Teagan sa kanyang kwarto. "Huh? Saan naman tayo pupunta?"

Pinakatitigan siya ni Teagan tapos hinalikan ang kanyang noo, "A place where we can have an alone time."

Hindi alam ni Juniel kung ang pagsikdo ng kanyang puso ay tanda ng kanyang pananabik o takot.

Naramdaman yata iyon ni Teagan, "Hey, don't you trust me?"

"Of course, I trust you. Pero parang biglaan?"

Hinuli ni Teagan ang isa niyang kamay at ipinatong iyon sa kanyang matigas na dibdib. "Hindi naman 'to biglaan. I've prepared this for so long..." Tumagilid ng higa si Teagan at inakap siya. "ngayong nandito ka na sa tabi ko I want to bring you there. Ikaw lang ang babaeng may karapatan na makapunta roon."

Ramdam niya ang sinseridad sa pananalita at titig ni Teagan. Hinaplos niya ang kanang pisngi ni Teagan at nakangiting tumango. "Alright, let's go there."

"There is no need for you to bring anything."

"Huh? How long are we going to stay in that place?" Takang tanong niya. Natigilan siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

Namulsa naman si Teagan, "Like I said, I prepared it for so long. Ikaw na lang ang kulang talaga."

"Okay."

Sumilay ang napakagwapong ngiti ni Teagan at inilahad ang kanang kamay, "Let's go, Daniella Juniel."

Tinanggap niya ang kamay ng lalaki at sabay na naglakad palapit sa sasakyan ni Teagan na nakapark sa harapan ng kanilang bahay.

Umabot ng tatlumpong minuto ang kanilang biyahe. Tumapat sila sa isang high-end residential building.

"You have a place here too?" Tanong niya habang tinitignan mula sa bintana ang napakataas na building.

She heard a snap, that's when she looked at the opposite direction. Tinanggal na pala ni Teagan ang kanyang seatbelt. "Thank you."

Hinawakan ni Teagan ang kanyang pisngi at mariing hinalikan ang mga labi, "Ang ganda mo." Wika niya at pinisil ang kanang pisngi. "Yes, I have a place here. Pero sa rooftop tayo pupunta."

Naiwan siyang nagtataka habang si Teagan ay bumaba na mula sa driver's seat at pinagbuksan siya ng pintuan.

Pagkapasok sa elevator ay pinindot ni Teagan ang RT button, it is probably the roof top.

Habang hinihintay ang pagdating nila sa roof top ay nagkatinginan naman silang dalawa ni Teagan.

Teagan raised their hands that are clasped together then kissed the knuckles of her hand. Napangiti naman siya sa kalambingan niya.

Hindi na talaga niya mapipigilan ang sarili na mahulog ang loob niya kay Teagan nang mas malalim, iyong hindi na siya makakaahon.

"I love you so much." Madamdaming pahayag ni Teagan.

"I love you too, Teagan."

Para lang silang tanga na nagngingitian, mabuti na lang at narinig na nila ang pagchime ng elevator.

Pagkabukas ng elevator ay napaawang ang bibig ni Juniel habang hila-hila siya ni Teagan. Narinig niya ang paghalakhak ni Teagan habang nasa tapat sila ng isang executive chopper and she is sure it is one those of Eurocopter.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now