5

12.5K 438 29
                                    

5

Florence, Italy

Maraming turista ang di magkandaugaga sa pagkuha ng litrato sa faćade nang matandang cathedral sa Italya.

Habang kumukuha ng litrato ay ipinaliliwanag ng isang tour guide ang ilang facts tungkol sa nasabing cathedral.

Kung titignan ay parang normal at antigong baroque cathedral lamang ito, pero ang hindi alam ng mga tao ay may misteryo sa loob.

Sa paglayo ng mga turista, may isang tao ang nakasuot nang mahabang damit na kulay pula at may hood.

May kung ano siyang itinulak na parte ng pader sa cathedral at nagbukas ang secret passage sa loob.

Sinong mag-aakalang sa loob noon ay maraming taong naglalakad-lakad at nag-uusap.

Pare-pareho ang kanilang mga suot. Mahabang kapa na may hood, mayroong pula at may itim. Ngunit isa ang pinaka-kakaiba. Kulay pula ang tela ngunit may kulay ginto itong burda ng iba't ibang simbolo.

Ang bagong dating ay lumapit sa lalaking may eye-patch sa kaliwang mata. Iniluhod niya ang isang tuhod habang nakapatong ang kamao sa kaliwang dibdib.

"Master." Malaki ang boses ng lalaki.

Tumango naman ang tinawag niyang 'Master'. Tumayo na ang lalaki at tinanggal ang hood na nakasuot sa ulo.

"I have news about the House of Rusch."

"Speak."

"The Lord of the house's wife is bearing their child. A new Rusch again." The man reported.

"And about the living one?"

Tumikhim naman ang lalaki. "No sign of the living one, Master."

Kumuyom ang kamay nang tinatawag nilang Master.

"We need to look for the living one before the reincarnated one does. Our ally is getting impatient."

"Yes, Master."

The master dismissed his man. He searched for the mirror and looked at his reflection.

He touched the eye-patch he is wearing, "Enjoy your last days Rusches. I'm gonna make you pay for what you did to me." Then he smiled devilishly.

-
Pagkapasok ni Juniel sa pamilyar na lugar ay sumalubong sa kanya ang hagulgol ng kanyang ina.

Niyakap siya ng ina nang nakapakahigpit. "My God! Where have you been, Daniella Juniel?!"

Naiyak na rin si Juniel at niyakap ang ina. Nakiyakap na rin ang kanyang ama.

"I'm sorry, Mama."

"Alam mo bang halos mamatay ako kaiisip kung ano nang nangyari sayo? Ha? Then, your friends–"hindi na naituloy ni Mrs. Basco ang sasabihin.

"Hindi po ako kaagad nakauwi I was injured po. Someone kept me." Paliwanag niya. "Ma, nakapunta na po ba kayo sa ... burol nina Miles at Reign?"

Nagtinginan ang mag-asawa. Her mother touches her left cheek. "Anak, I don't think it is necessary for you to go there. Ikaw ang sinisisi nila sa nangyari."

"Mabuti pang mag-stay ka na lang muna dito sa bahay, anak." Payo rin ng ama.

Umiling si Juniel. "No, Pa, Ma. Kailangan ko silang harapin. I need to explain to them."

Nag-aalala man ay walang nagawa ang kanyang mga magulang kung hindi ang pumayag sa kagustuhan niya.

Kinagabihan ay nagpahatid si Juniel sa kanilang family driver sa chapel kung saan naroon daw ang labi ng kanyang dalawang kaibigan.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now