Secret 05: Split

1.5K 59 18
                                    

CHRISTEUR

Ilang oras na ang lumipas mula nung encounter ko kay Dean kanina sa may Locker Room at hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Napahampas nalang ako sa mukha ko.

Christuer, you came here to investigate! 

Not to be enticed by some gorgeous girl!

"Hoy. Tulala ka na naman. Lakas na talaga ng tama mo kay Dean."

Sinulyapan ko si Mack nang umupo siya sa tapat ng upuan ko. Bumusangot lang ako at sinandal nalang uli ang ulo ko sa may mesa.

"Nagkakamali ka..." para kong lutang na saad. 

Magaan niyang sinuntok ang braso ko, "Look at you falling head over heels." pakanta niyang sambit. 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi ka nakakatuwa."

Tumawa lang siya at iniba na ang usapan, "Bro, may pinapasabi nga pala si Kyle kanina na magkikita raw ulit. Apparently, sinabi na raw sa kaniya ni Finn 'yung ginawa ko."

Tumaas ang kilay ko, "Tapos?"

"Sumama ka." walang gatol niyang saad. "Ano pa't magkaibigan tayo kung hindi mo ko sasamahan sa ups and downs?"

"You go ahead, Mack. I'm staying here. Panagutan mo si Finn, problema mo 'yan."usal ko. Narinig ko naman ang pagsinghal niya at pagbatok sa ulo ko. Napahawak naman agad ako sa binatukan niya pero hindi ko parin inangat ang paningin ko. 

Ugh, can't she see? I'm not in the mood to goof around! Mamaya makita ko na naman 'yong Dean na 'yon edi mas lalo lang magulo ang sistema ko.

"Huwag ka na ngang mag-inarte at tumayo ka na. Nagugutom narin ako. Binilin ka pa naman sa akin ni  Ramil na 'wag gugutumin. Parang baby lang." reklamo niya. Napaangat naman ako ng tingin dahil sa tinuran niya at malakas na sinipa ang binti niya.

Takte. Tawagin ba naman akong Christeur dito sa Room? 

Mamaya may makarinig.

"Oh wag mo akong titigan ng ganiyan. Wala namang tao rito, tayo nalang." saad niya na parang binasa ang laman ng utak ko. Suminghal nalang ako at inayos ang necktie ko.

"Be careful spitting your words. Baka ikaw pa ang dahilan ng ikapapahamak ko." saad ko at tumayo na. Magsisimula palang ako sa paglalakad ko nang naramdaman ko ang mabilis niyang pagsunod at mabilis na hinigit ang braso paharap sa kaniya. Akmang aasarin ko palang siya nang magtagpo ang aming mga tingin. 

Her grey eyes are deadly serious.

"Paano kung ako nga ang magiging dahilan ng pagkapahamak mo? Anong gagawin mo sa akin?" seryosong tanong niya. 

Napakurap naman ako bigla. 

Si Mack ba talaga 'tong kausap ko? 

Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at binaba 'to. Tinitigan ko naman siya mata sa mata at tinapik ang ulo niya.

"Alam ko namang hindi mo kayang gawin 'yon sa akin. At kung sakali mang magawa mo 'yon, makikinig ako sa'yo. I know you can give me a reason why you did what you did." sambit ko at hinatak na siya palabas ng classroom. Nagpatianod lang siya habang nasa baba lang nag tingin.

 Kumunto ang noo ko.

Nakapagtataka ang biglaang ang pagtahimik ng isang 'to. May problema kaya siya?

"Late kayo ng 5 minutes." untag sa akin ni Kyle pagkarating namin sa may lounge. Binitawan ko na naman na si Mack at kinamot ang batok ko.

Ang higpit talaga nitong President.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now