Secret 17: Found you

795 37 13
                                    

CHRISTUER

Halos makatulog na ako sa klase dahil sa puyat. Gabing-gabi narin kasi ako nakauwi sa Condo dahil sa byahe mula Taguig. Nahirapan pa akong makatulog kagabi. Isa pa si Ramil, kung umakto parang walang nangyari. Konti nalang pagsasamahin ko na sila ni Detective Alex the mutant e, parehas robot. Parang walang pakiramdam. Nakakairita. Hanggang gabi tuloy iniisip ko parin.

Sus, iniisip mo lang si Dean kaya hindi ka makatulog.

Shut up. I don't want to layer my delusions by delusions. Humalumbaba ako at pasimpleng sinulyapan si Mack na nakaupo sa tabi ko. Hindi rin ako inaasar ngayon ni Mackenzie na minsan ay napapansin kong nakatulala lang at parang napakalalim ng iniisip. Nakakausap ko naman siya kahit papaano pero madalas, puro ngiti lang ang naitutugon niya.

"Stop staring, bro." saad niya. Umayos ako nang upo at bumuga ng hininga.

"Masisisi mo ba ako? Hindi kita makausap nang maayos." saad ko. Umiling-iling nalang siya at may hinugot sa bag niya. Kumunot ang noo ko nang bigla niyang pinatong ang sketchpad niya sa desk niya.

"Ito lang pinag-abalahan ko nung umalis kayo papuntang Taguig." saad niya at binuklat ang sketchpad niya. Hinintay ko lang siyang matapos sa paglipat ng mga pahina hanggang tumigil siya sa gusto niyang ipakita. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.

 Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"B-brandy?" tanong ko. Tumango siya at mataimtim itong tinitigan. Kuhang-kuha ni Mack ang bawat detalye ng mukha ni Brandy. Mula sa mga mata nitong kulay itim, at halos puting blonde niyang buhok. Nakaguhit din ang isang ngisi sa mapupulang labi nito. Wala talaga akong duda sa memorya niya.

"She really looks like my Shiela. I can't get her out of my head that's why I drew her instead." she said while sliding her fingers on the artwork. I looked at her face and sadness are visible to her grey eyes. Nakakapagtaka. Bakit magkamukhang-magkamukha si Brandy at si "Shiela" na dating kasintahan ni Mack na mismong namatay sa harapan niya? Doppelganger?

"Uy, wala raw si Sir Bangag!"

"Eh? Seryoso? Yes!"

"Tara Cafateria! I-celebrate natin na sa wakas, hindi rin pumasok 'yung bangag na 'yon!"

"Uy, hindi ka pa ba kakain?" tanong ko kay Mack nang marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Lunch time kasi pagkatapos ng period ni Sir Bangag, e since wala naman ito, mas napaaga ang oras namin para mananghalian. 

"Pwede ba tayong kumain nalang sa labas?" tanong niya bigla. Marahan naman akong tumango at sinulyapan ang relo ko.

"Sure. Tatlong oras lunch time natin ngayon dahil sa pagkawala ni Sir Bangag." saad ko. Nginitian niya lang ako nang tipid at niligpit ang gamit niya. Ganun din ang ginawa ko at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko. May sasabihin dapat ako kay Mack nang biglang magvibrate ang phone ko. Dinukot ko naman ito mula sa err...palda ko. Hindi parin ako sanay sabihin. Binasa ko ang message.

Blood of the Last HeirOn viuen les histories. Descobreix ara