Secret 24: Helix

683 38 25
                                    

CHRISTEUR

"So, dito na ako sa department ko. See you around?" mahinang saad sa akin ni Dean. Tumango naman ako. Medyo naninibago ako sa masculine niyang boses pero hindi 'yon nakabawas sa kagandahan niya. Tumango ako at ngumiti. 

"Mamayang lunch?" saad ko. Napangisi naman siya.

"Mi-miss mo lang ako e." pang-aasar niya pa. Napailing-iling ako at pasimpleng tumingin sa paligid.

"Hinaan mo nga boses mo. Mamaya may makarinig pa." suhestyon ko. Nagkibit-balikat nalang siya at inayos ang pagkakasukbit ng bag niya sa may balikat niya. 

"Sige. Kainin kita mamaya---I mean, kain tayo mamaya." saad niya at ninakawan ako ng halik  sa may pisngi. Tumakbo din naman agad siya pagkatapos. Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Wala namang nakapansin sa ginawa ni Dean sa akin. Or probably, they did see it but they don't give a shit about it. Pansin ko rin naman na maraming mas intimate pa sa ginawa sa akin ni Dean dito sa University. It's an all boys school at marahil laganap din dito ang same-sex relationship katulad sa school namin.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maging komportable sa ayos ko ngayon. Walang prosthetics, walang kung ano-ano sa katawan. Ang sarap sa pakiramdam. 

"Penny for your thoughts?" 

Sinamaan ko naman agad ng tingin ang lalaking may puting buhok at asul na mga mata na sumabay sa akin sa paglalakad. Nakangisi siya.

"Kamusta honeymoon ninyo ni Dean?" tanong niya. Binatukan ko naman siya agad. 

"Anong honeymoon? Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin." saad ko. Humagalpak naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Tinitigan ko lang siya nang blangko kaya siya napatigil. Tumikhim siya at hindi na nagsalita. 

"May progress na ba?" tanong ko, pertaining to the reason why we are here. Dahil first day pa lang namin sa klase, wala pa akong nakikitang disturbances sa system tulad nung sinabi ni Kyle nung nag-meeting kami sa Perfecto Lounge. But I should not let my guard down. I'm not even sure if the culprit is just messing around at the moment. 

He can be the man sitting at the bench nearby us, he can be the man who's walking along with us and also, he can be the man who's eating his sandwich while browsing his phone.

Everyone can be a suspect. Until we narrowed it down, we don't have the slightest clue to reveal his identity.

"May plano na kaming isinagawa. Si Tris ang nakaisip. We're just waiting for its results kung magtatagumpay ba o hindi." saad ni Ramil. Napatango naman ako. I'm not curious of the procedure they're doing just to capture the culprit but I'm wishing for its success. 

Nangangamba rin kasi ako na baka pag magtagal pa ako rito, may makaalam ng sikreto ko. Maybe Ramil changed my image in public but it doesn't change the fact that there are people who knew me before my life turned upside down. At kung mamalasin, baka may makakilala sa akin ngayong naka-lalaki akong anyo. 

"Ito na room natin." saad ni Ramil at pumasok na sa loob. Sumunod lang ako sa kaniya at umupo narin sa tabi niya. Dahil in-orient narin kami ni Kyle kanina nung nag-breakfast kami sa may Dorm niya, na kasing laki ng penthouse ng isang Condo at siya lang mag-isa, alam ko na pabago-bago ang room namin kada subject. At 'yung mga estudyante rito, mostly hindi sila gano'n nagso-socialize dahil nga iba-iba rin ang classmates nila. 

And I take that as a good advantage.

Para atleast, kung natapos kami sa misyon namin, hindi nila mahahalata na ilang araw lang kami mamalagi rito.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now