Secret 25: Beautiful Mistake

695 33 12
                                    

CHRISTUER

Naglakad papalapit sa amin si Helix. Halata parin ang pagtataka sa mga mata nina Dean dahil sa mga nangyayari habang ako, hindi ko na alam gagawin ko.

"Long time no see." mabagal na saad ni Helix habang nakaangat ang dulo ng labi nito. Namanhid bigla ang dila ko.

"Baby, magkakilala kayo ng kapatid ko?" tanong ni Dean. Sumulyap naman ako sa kaniya pero hindi agad nakasagot. Shit. Ayaw gumana ng utak ko. Hindi ako makapag-isip ng alibi!

"Sumama ka sa akin." wala sa loob kong saad at hinawakan ang kamay ni Helix. Hinatak ko muna siya palabas ng Computer Laboratory at sinara ang pinto. Ni-lock ko rin mula sa labas para mas makapag-usap kami nang maayos. Nararamdaman ko na ang pawis ko na unti-unting nabubuo sa buong sistema ko kahit naka-aircon naman 'tong hallway. 

"Helix, makinig ka sa akin." saad ko. Mabagal niyang itinagilid ang ulo niya habang bakas parin sa asul niyang mga mata ang antok. Medyo tumabingi rin ang salamin niya.

"Ano?" mabagal niyang saad. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya sa kaniya para makausap siya nang mahina lang. Ayoko namang may makarinig sa pag-uusapan namin.

"Don't call me Christeur. It's a long story but I'm Clandestine now and I think it's obvious what my disguise is. You can understand me, right?" I almost lost my breath when I tried to explain my situation with Helix pero 'yung hindi pagbago ng reaksyon ng mga mata niya ang siyang kinaiinisan ko. 

Dude, he's always taking his time to process every person he's talking with, and that is also the reason why he talks and moves slowly. Hindi ko alam ang saltik nitong si Helix pero alam ko namang maasahan siya. I've been with him sa Italy for a year at sa pagkakatanda ko, okay naman kami.

Mabagal niyang inayos ang ulo niya at pati 'yung salamin niya. Kumurap siya sa akin.

"What makes you think that you..." mabagal niyang saad at itinuro ako. Pagkatapos ay itinuro rin niya ang sarili niya.

"...can pursuade me?" dugtong niya. Napaatras ako at napakamot sa kilay ko. Why the hell is he so stubborn? Pwede namang bukas nalang siyang maging ganiyan, pwede namang maging mabait muna siya sa akin ngayon.

"Helix, please..." mahinang saad ko. Tinitigan niya lang ako nang blangko gamit ang inaantok niyang asul na mga mata. I don't know why we became friends ngayong ganito siya. And the thing is, kapatid niya pala si Dean! 

"What's up with you and my little sister?" mabagal niyang saad. Napatigil ako sa tanong niya. Tinitigan ko siya direkta sa kaniyang mga mata, sinisipat kung anong meron at bakit niya tinanong kung anong meron sa amin ng kapatid niya. Tumikhim ako.

"We're in a relationship." I replied. He stares straight through me and it took him a couple of minutes before heaving a sigh. Mabagal niyang ginalaw ang ulo niya patungo sa pinto ng Computer Laboratory. Siguro dahil sinusubukan niyang sulyapan si Dean.

"I never saw her smile like that before." He said and turns his head back at me. 

"And the way she looks at you....it's something I cannot comprehend." mabagal niya paring saad. Hindi agad ako nakasagot. One thing about Helix, he's very observant. Kaya niya talagang mapansin kahit ang pinakamaliit na bagay sa isang tao. Kaso nga lang, he's not familiar with having affections or emotions at all. Sarcasm, ignorance and indifferent are the words that can accurately describe him.

"Helix..." banggit ko sa pangalan niya sa tonong parang nagsusumamo na. Alam ko namang matutuklasan din ni Dean ang tinatago kong sikreto pero ayoko munang matapos kung anong meron kami ngayon. This happiness? It's addicting. At hindi ko nanaisin na mapunta ako sa punto kung saan hahanap-hanapin ko 'yon. 

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now