Secret 12: Bathroom Murder

1K 38 18
                                    

CHRISTEUR

"Clandestine, patingin naman ng sagot mo sa number 15." bulong sa akin ng kaklase kong nakaupo sa aking harapan. I lend her my paper and tolerated her action. Seatwork lang naman 'to e at hindi rin naman ako naghahabol magka-flying honors or awards. 

Andito ako para mag-imbestiga. 

Napabuntong hininga ako nang may maalala.

Dalawang linggo na nga palang tengga ang plano ko. Magmula kasi 4th day ng school, walang ibang ginawa ang Angel's Trumphet kung hindi sumiksik sa buhay ko. I know that accepting their proposal would mean being with them more since they promised to protect me and Mackenzie, pero hindi ko lubos akalain na sobra nila kaming babantayan to the point na halos sa school na ako tumira. 

Kung iisipin, parang minamanmanan lang nila ang mga galaw namin ni Mackenzie para hindi kami makagawa ng mga balak namin. 

Kaasar!

"Mackenzie, gusto mo?"

Napailing nalang ako nang marinig ko ang boses ni Maxine, the brunette girl who fought with Mack back then just because my best friend punched that Queen bee's beautiful face. 

"Sure." sambit ni Mackenzie at nilapit ang mukha niya para kagatin ang stick-o na nasa bibig ni Maxine. Napaiwas nalang ako ng tingin at napaismid. Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa aking dibdib at tinignan ang labas ng bintana.

Pero ngayon, nag-iba na ata ang ihip ng hangin at naghaharutan na sila ng bestfriend ko. Miski ako pinipilit alisin sa eksena nila minsan.

Bakit nga ba ganoon? Love interest lang ng best friend ko, kung makaasta, parang sagabal ako sa love story nila. Kung alam lang ni Maxine, pinaglalaruan lang siya ni Mack. 

Umingay na ang paligid dahil tapos na ang history class. Humarap ako kay Mack kaso abala pa rin siya kay Maxine. Iniwas ko nalang ang tingin ko at niligpit na ang gamit ko. 

"Raine!"

Napatingin agad ako sa direksyon ng tumawag sa akin. Her red hair flares because of the sun rays passing through our translucent windows. Her hazel brown eyes shone with this kind of intensity that makes me crazy and her lips.

I tasted those lips already. 

"K-Kyle.." banggit ko sa pangalan niya. Tumingin siya sa wristwatch niya at sa akin.

"Lunch time na." saad niya. Tumango naman ako agad at tumayo sa upuan ko. Nilingon ko si Mack at nakatayo narin siya.

"Saan ba tayo kakain ng tanghalian? Cafeteria ba ulit?" tanong nito habang tinutulak palayo si Maxine. 

Buti nga sa kaniya. Linta!

"Yeah. Cafeteria ulit tayo." saad ni Kyle habang nakatanaw sa may pintuan.

"1, 2, 3.."

Pagkasabi ni Kyle ng three ay biglang lumitaw ang babaeng may brown at tuwid na buhok, at hindi makapares na mga mata. Walang iba kundi si Dean Margaux Gonzales.

Naglakad na kami papalapit sa kaniya at hindi na naman mabura-bura ang ngisi sa nga labi niya. Nginitian ko nalang siya nangpagkatamis-tamis bilang ganti.

"Hey..." she mumbled while looking at me with those hetochromic eyes. "Your smile makes me nuts. You should do it more often." saad niya. I shrugged my shoulders at nilagpasan siya.

"Huwag na, baka mas lalo ka pang mabaliw sa'kin." saad ko kaya narinig ko ang bungisngis nito. Nasanay na ako sa mga litanya niya dahil halos palagi narin kaming magkakasama magmula ng araw na 'yon.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now