Secret 19: Platonic Love

792 37 16
                                    

CHRISTEUR

Nang makarating ako sa sinasabi ni Tris, halos malula ako sa dami ng mga palapag. Ang tatataas at puro abandonado na.   Bawat pagtapak ko sa konkretong semento ay dinig na dinig ko ang pagkiskis ng sapatos ko rito. Nasaan kaya siya rito? Pinaikot ko ang kamay ko sa paligid ng bunganga ko sabay linga.

"Mack! Mackenzie! Nasaan ka?!" sigaw ko. Subalit, imbes na boses ni Mack ang marinig ko, paulit-ulit lang na echo ng mga sinabi ko ang umalingangaw sa paligid. Pinagpatuloy ko pa ang paghahanap sa kaniya pero ni anino niya, hindi ko talaga makita.

Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader na semento. Tumingin ako sa kamay ko at pinaglaruan nalang ang mga buhangin na nakalat sa sahig. Nasaan ka na ba Mack? Sana wala namang nangyaring masama sa'yo.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung gusto parin siyang kunin ng mga taong humahabol sa kaniya? Paano kung maulit na naman ang lahat? Nangako ako sa kaniya na hindi ko siya papabayaan pero isang lingat ko lang, nawala na agad siya. Napapikit ako nang mariin at nagbalik-tanaw sa unang pagkikita namin ni Mackenzie Elaine Toungsten.

"Youngmaster?"

"Shh!" mabilis kong sita kay Ramil habang nagtatangka akong tumukas sa Villa.  It's my 15th birthday at nagce-celebrate kami ngayon sa bahay bakasyunan namin sa Bicol pero heto ang celebrant at tumatakas sa sarili niyang party.

"Pero youngmaster, mapapagalitan po tayo---"  

"Ano ba?!" bulong ko na pasigaw. Napatigil naman siya agad dahil sa bahagyang pagtaaas ng boses ko kahit bulong lang 'yon. I don't really like excess baggageSa totoo lang, kung ayaw niya kasing sumama, dapat hindi nalang siya sumunod. Who cares about butler duties anyway?

Ramil is one year older than me but I really hate it when he gets this worrywart. Ang bata niya pa para mag-astang lolo. Nilingon ko siya ulit at hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa ginagawa namin. Napa-tsk ako at pasimpleng lumusot sa lagusan na inihanda ko kaninang umaga pagkarating namin.

"Ba-bye Ramil!' bulalas ko at biglang kumaripas ng takbo. Wala namang nagawa si Ramil kundi sumunod lang sa akin. Bahala siya diyan. If he wants to nag me all day, he has to deal with my pace.

Kung saan-saan lang ako hinatid ng mga paa ko. Nagpunta na kami sa may tulay, mga samu't  saring tindahan pero hindi parin ako tinitigilan ni Ramil. He's so persistent. Ilang beses niya ring pinagyabang sa akin na mula pagkabata, ti-nrain na talaga siya ng tatay niya dahil siya ang naka-destino para bantayan ako. Galing kasi siya sa angkan ng mga Torres.

Hinabol ko ang hininga ko nang makarating kami sa isang gubat. I think this is the place that my father's colleagues are talking about.  Dito raw may misteryo na may sumisigaw daw na mga babae tuwing gabi.

Blood of the Last HeirOù les histoires vivent. Découvrez maintenant