Secret 37: Ambush

195 10 2
                                    

CHRISTEUR

Nauna si Kyle sa pagtahak ng daan pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Dahan-dahan lang din ang aming paglalakad, ingat na ingat na huwag gumawa ng ingay sa gitna ng kadilimang ito. Habang papalapit kami sa helicopter ay siya ring paglakas ng rinig kong kaluskos. Bahagyang bumilis ang lakad ni Finn at pumantay kay Kyle. Sumunod naman si Ramil na pinantayan din ako. Kanina kasi'y isang linya kaming naglalakad.

"Don't make a sound." Pagpapaalala ni Kyle pagkapasok namin sa Helicopter. Awtomatikong bumukas ang ilaw pagkapasok palang namin kaya mas madali naming makikita kung saan kami pupunta ngayong gabi.  Dahan-dahan akong pumunta sa pinakamalapit na bag na dala namin. Isinukbit ko ito sa aking balikat at tinignan ang ginawa nga iba. Si Kyle ay may inaayos sa may harapan, marahil ay sinisipat niya kung maari pa bang magamit itong helicopter. Sa kabilang banda naman ay magkasama si Finn at Ramil na kumukuha ng mga sleeping bags namin at karagdagan pang supplies. Pinagpatuloy ko nalang din ang ginagawa ko. 

"Okay. That's it for now." anunsyo ni Kyle matapos naming makuha ang mga kailangan namin dito sa Helicopter. Sinenyasan niya na kami na lumabas ng Helicopter. Tulad ng una naming ginawa ay buong sikap naming iniwasang gumawa ng kahit anumang ingay. 

"Kyle?" rinig kong tanong ni Ramil bago buksan ni Kyle ang pinto ng Helicopter para makalabas na kami. Nilingon siya ni Kyle habang ang kamay nito'y nakahawak na sa may pinto, "What is it Ramil?" 

Tumingin ako kay Ramil at nakita kong seryoso ang mukha nito. Pinatong niya ang kaniyang daliri sa kaniyang labi habang may tinuturo sa direksyon na dapat  naming paglabasan. 

"Shit!" rinig kong bulalas ni Finn at tumingin sa aming tatlo, "We forgot to turn off the lights!" 

Kahit nangangamba ay mas pinili kong ilibot ang paningin sa paligid. Mabilis akong kinilabutan nang may makita akong mga anino sa hindi kalayuan na dahan-dahang pumupunta sa direksyon namin.

"Once those creatures spotted one of us, their extraordinary speed will be awaken. Let's get out of here fast." saad ni Ramil at naglakad papunta sa isang malaking bintana. Tinulak niya ito para mabuksan.

"Let's take this route." suhestyon niya. Nasa kabilang bahagi kasi ng helicopter nagmumula ang mga mutants kaya mas maganda nga namang doon nalang kami lumabas. Tumango kami at tsaka isa-isang lumabas. Nang ako'y nakalapag na ay siya ring paghulog ng bag na dala ko sa may ilalim ng helicopter. Hindi ako nagdalawang isip na yumuko at kunin 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Mga paa.

Mabilis akong kumilos at tinignan ang huling lumalabas mula sa bintana. Mabilis kong hinatak si Kyle at pinilit ko silang tatlo na yumuko.

"What?!" pabulong na bulalas ni Finn.

"They're here." bulong ko pabalik. Nakita kong sinundan nila ang direksyon na tinuturo ng mga mata ko at nakita ko ang takot sa kanilang mga mata. 

"Tara na." saad ni Kyle at nauna nang gumapang papalayo. Sumunod nalang kaming tatlo at aasahang matakpan agad ng mga damo ang aming mga katawan. Nakalinya kami habang dahan-dahang nagtatago sa damuhan. Nangunguna si Kyle, sumunod ay si Finn, sumunod ay ako at nasa likod ko naman si Butler Ramil. Nang tingin ko'y nakapagtago na ako sa damuhan ay sinilip ko ang lalaking nasa aking likuran. Hinawakan ko agad si Finn nang mapagtantong wala si Ramil sa likod ko.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now