Secret 34: One Decision Away

223 12 5
                                    

CHRISTEUR

Napangiti ako nang maramdaman ko ang init niya sa mga kamay ko. Hinigpitan ko ang pagyakap at dinama ang tibok ng puso niya. Pasimple ko rin siyang inamoy at nakaramdam agad ako ng nakakaliting sensasyon sa akin tiyan.

"Baby.." tawag sa akin ni Dean. Bumitaw ako sa kaniya at nagtitigan kami. Pinadulas ko ang kamay ko sa kaniyang baywang at hinapit siya papalapit sa akin. Ang mga kamay niya naman ay nakapatong ngayon sa aking balikat. 

Habang nakangiti parin, hinawi ko ang buhok na nasa gilid ng kaniyang tenga. 

"I miss you, Dean." saad ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay kong nasa mukha niya. Nanatili lang nakatitig ang 'di magkapares niyang mga mata sa akin.

"Ako rin." tugon niya at inilapit ang kaniyang mga mukha. Mabilis ko rin namang ipinikit ang mga mata ko at naramdaman agad ang paglapat ng aming mga labi. Hinapit ko pa siya papalapit para mapailalim ang halik. She even smiled while still kissing. I gently squeezed her waist as I glide my tongue inside hers. I quickly indulged her honey and mint taste. Para akong mababaliw. Sobrang nakakaadik. 

Our tongues fought each other for a little while until we need to gasp for our breathe. I chuckled as I lean my forehead against hers. Kita ko sa mukha niya ang pamumula habang hinahabol ang kaniyang hininga. I cupped her face and whispered, "I love you so much, Dean."

"I love you too, Baby." tugon niya. Nanatili pa kaming magkasandal sa isa't-isa hanggang napagpasyahan na niyang bumitaw at abutin ang aking kamay. Marahan niya akong hinila at sinabayan akong maglakad. 

"Kanina ka pa iniintay ng mga bata. Hindi ka manlang kasi tumawag." saad niya habang kami'y naglalakad. Napakunot ako ng noo dahil sa narinig. Anong ibig niyang sabihin? 

Wala sa sarili kong napatingin sa paligid. Napapaligiran kami ng kagubatan, subalit mula sa aming kinatatayuan, may hindi kalakihang bahay ang makikita. May munting hardin din sa harapan nito na may fountain pa sa gitna. Nagmasidmasid pa ako sa paligid habang naglalakad kami papalapit. 

May iba't-ibang uri ng bulaklak ang tumutubo sa hardin. May malalaki ring puno sa malapit na may nakasabit na duyan. Naririnig ko narin mula sa aming pwesto ang mga yabag at halakhakan na mga tunog na tila ba nagmumula sa mga bata. 

"Mama! Papa!" 

Ibinalik ko ang tingin ko kay Dean nang bigla niyang bitawan ang kamay ko. Napatigil ako sa aking pwesto sa nakita. Malaki ang ngiti ni Dean habang sinasalubong ang maliit na batang may kulay itim na buhok at 'di magkapares na mga mata. Green and blue. Medyo morena siya at nakasuot ng puting bistida. Hula ko'y nasa idad tatlong taong gulang pa lamang siya. 

"Liliana Gabriel!" bulalas ni Dean at kinalong ang bata. Mula sa pinto ng bahay ay may lumabas pang isang batang lalaki. May kulay light brown itong buhok at may kulay berdeng mga mata tulad ko. Maputi ang balat niya at nakasuot namans siya ng simpleng blue shirt at black na jersey shorts. Bahagya pa siyang napasulyap sa akin bago siya naglakad papalapit sa amin. 

"Baby?" 

Napalingon ako kay Dean nang bigla niya akong tawagin. Medyo nakatagilid ang ulo niya na para bang nagtataka sa inaakto ko. Pilit na bumaba ang batang Liliana kay Dean at tumakbo patungo sa akin. Bahagya pa akong napaatras nang yakapin niya ang hita ko at pumulupot dito.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now