Secret 32: Rachel

270 11 5
                                    

CHRISTEUR

"What do you mean this might be a trap?" tanong ko kay Kyle nang sabihin niya sa akin ang balita mula sa Ananova Faction. Huminga siya nang malalim at nakipagtitigan kay Ramil. I inhaled sharply as I settled down on my stool. Mula sa salamin ng kwarto ko, kita ko ang nakapintang inis sa mukha ko.

"Christeur, listen. We both know that Tris is cunning. We can't act recklessly now." pagpapaliwanag ni Kyle. Napayukom ako ng aking mga kamao at pinigilan ang inis sa sistema ko.

"Hawak niya si Dean, Kyle. It's been a month! What if may nangyari nang masama sa kaniya?!" pagpupumilit ko. Oo, naiintindihan ko ang gustong sabihin ni Kyle pero ano nalang mangyayari kung babagal-bagal pa kami umaksyon? Baka mahuli na kami!

Hindi inalis ni Kyle ang talim sa mga titig niya sa akin. If anything, her hazel brown eyes became darker as seconds passed by. Knowing Kyle's temper, she might be annoyed at me right now but I just can't help it. Nakipagtitigan din ako sa kaniya.

"How many times will I tell you na walang gagawing masama sa kaniya si Tris?!" Napataas narin ang boses niya. Napatingin ako sa may sahig at bumuntong hininga.

"We're not even sure of that." Mahinang tugon ko. Pinatunog niya ang dila niya sa inis.

"Tsk. My mom will be here any moment from now. Sasalubingin ko muna sila tapos pag-uusapan na natin 'to. Ayusin mo muna ang sarili mo, Christeur." saad ni Kyle. Naramdaman ko siyang lumapit kay Ramil at may sinabi pa bago siya padabog na umalis ng kwarto. Nagpakawala ako ng hangin.

"I messed up again." saad ko. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa silid kaya tinitigan ko agad si Ramil. Napailing-iling siya.

"Pang ilan na 'yon ngayong buwan?" pang-aasar niya pa at umupo sa tabi ko. Inismiran ko lang siya.

"Shut up." saad ko.

"Hindi lang halata pero hindi rin ito madali para kay Kyle." Saad ni Ramil.

"Alam ko naman," saad ko at umayos ng upo.

"Pero kasi, magmula ng sabihin mo sa'kin lahat ng nangyari habang nagpapakasarap ako matulog, hindi na ako matahimik." Dagdag ko. Nakita ko ang awa sa asul niyang mga mata kaya mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi mo naman ginusto lahat ng nangyayari, youngmaster." Saad niya. Nanikip ang dibdib ko at nakaramdam ako ng panginginig ng katawan. This is me, stopping myself from breaking down. Kasalanan talaga 'to ni Tris.

"Ang hirap kasi. Ni hindi ko manlang napaliwanag ang sarili ko kay Dean. What if Tris brainwashed her like what that bitch did to Mackenzie? What if when we meet again, we are enemies?" Saad ko. Tinitigan lang ako ni Ramil at marahang hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko. Huminga ako ng malalim. This is the only time I opened up my thoughts kay Ramil ever since I woke up. Marahil siya rin ay nagulat.

"Young master, don't worry too much. Dean may look like she's an airhead but she's really wise." Aniya. Tumango ako.

"I hope you're right, Ramil." Bulong ko sa hangin.

"Kamusta na pala ang pakiramdam mo, youngmaster? Hindi ka na ba nahihilo?" Tanong niya.

"Hindi na." Mabilis kong tugon at umismid, "Nakatali nga ako sa wheelchair sa loob ng dalawang linggo diba, tapos pinilit niyo pa akong magpahinga lang rito sa kwarto. Ni wala manlang kayo sinabi sa'kin tungkol sa Utopia kahit anong kulit ko sa inyo."

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now