Secret 04: Locker Room

1.3K 61 32
                                    

DEAN

Ang sarap ng hampas ng hangin. Ang gaan din ng pakiramdam ko. Tahimik ang bawat pagtapak ng mga paa ko aa sahig habang tumatakbo. Hindi ko masyadong maaninag ang paligid pero alam ng mga paa ko kung saan sila pupunta.

"Go Dean!"

"L-O-V-E DEAN!"

"Kaya mo 'yan Dean! Waah, nakita mo 'yon? Tumingin siya sa'kin!"

Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa mga naririnig ko. Parang musika sa tenga. Tsk, tsk, ang pogi kong babae talaga.

"Dean ran 1500 meters in 4 mins and 3 seconds." anunsyo ng taong may hawak ng flag. Nilapitan naman ako ng mga fans ko para punasan ng pawis at bigyan ng tubig pero hinarang ko agad ang kamay ko.

"Nah, I can do it by myself." saad ko at pinakita ang killer smile ko. Nakaanga naman silang tumango at medyo umatras. Nilapitan ko na ang sports bag ko at binuksan iyon. Kinuha ko agad ang water bottle ko at ininom 'yon. Habang umiinom ay kinuha ko rin ang bimpo ko at pinunas 'yon paikot sa leeg ko.

Girls like it when I do this.

So I'm just going to keep on doing it.

"Ayaw mo parin nang may humaharot sayo pagkakatapos mong tumakbo?" biglang saad sa akin ni Finn habang pinapadulas ang daliri niya sa buhok niyang blonde. Binaba ko naman ang water bottle ko at isinukbit sa batok ko ang bimpo.

"Mahal ko lang ang hahayaan kong gumawa sa akin no'n. Hanggang tingin lang 'tong mga 'to sa'kin." tugon ko.

"Ohmygod. Andoon din si Finn!"

"Ang hot niya."

"Wala ka manlang bang minamahal sa mga ex mo?" tanong niya. Napahalf-smile ako at tumabi ako sa kaniya.

"Wala. Mga nilalandi ko lang naman ang mga 'yon." wika ko habang tinatanaw ang open field na may mga tumatakbo ring athletics.

"Pero 'yung green-eyed girl kanina na kasama ni Mackenzie, parang may iba." usal niya na para bang may ibang pinahihiwatig sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at nakatanaw din siya sa malayo.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mackenzie? First name basis na kayo ngayon?" pang-aasar ko. Umirap naman siya sa akin at tsaka suminghal. Hinampas niya pa ako sa braso.

"Pakielam mo ba? E, gusto ko siyang tawagin ng Mackenzie e." saad niya. Tumawa naman ako. Masarap 'tong asarin si Finn e. Napaka-transparent.

"Gusto mo siya? Anong sabi mo?" pang-aasar ko ulit. Nag-psh siya at inirapan ako ulit.

"Straight ako, sorry." saad niya. Tinitigan ko naman siya nang mapanghusga na parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Inismiran niya ko.

"Wag mo nga akong itulad sa'yo, Dean Margaux Gonzales. Hindi ko tatahakin ang madilim na daan." kampante niyang saad. Napatawa naman ako at lumapit sa tenga niya. Hindi naman siya kumibo at hinintay ang sasabihin ko sa kaniya.

"Straight girls are like noodles. Straight until they're wet." bulong ko. Bumakas naman ang pagkawindang sa mukha niya dahil sa sinabi ko at napaatras.

"Gosh! Nakakadiri ka." gulantang niyang saad at pinaulanan na naman ako ng hampas. Hindi ko naman napigilan ang tawa ko sa reaksyon niya.

"Priceless mukha mo Finn!"

"Loko-loko ka talaga. Matatagpuan mo rin karma mo sa mga ginagawa mo. Maiinlove ka sa lalaki. Sinusumpa ko 'yon." saad niya. Napatingin naman ako sa kaniya habang nanlalaki ng mata.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now