Secret 07: Spirits

1K 50 42
                                    

CHRISTEUR

"I don't have an idea. Try to search the crime scene and search for evidence."

Naalimpungatan agad ako nang may marinig akong nag-uusap. I jerked my head towards the person who's talking with someone and there I saw a girl with her gorgeous dishiveled light brown hair and sleepy hetochromia eyes. The morning rays radiated her beauty like a flower who's about to bloom. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko kung gaano kaseryoso 'yung mukha niya. 

I think this is my first time seeing her looking so serious like that. 

And I think it's hot.

"Helix, I've got no time to check those things out. I'm in school." dugtong niya. Napasinghap naman ako nang bigla itong napalingon sa direksyon ko. Magsasalita pa dapat siya nang mapansin niya na nakatingin ako kaya binaba niya na agad ang tawag nang walang paalam. 

She smirked, "Did you enjoy eavesdropping? Don't worry, that's my brother on the phone. No need to get jealous, baby."

Napaismid ako.

Pinagsasabi ng babaeng 'to?

"I am not your baby. Stop calling me that." I replied. 

Gumapang siya sa may tabi ko at niyakap ako mula sa gilid.

Bumusangot siya, "Kung makapagsalita ka, parang hindi kita pinaligaya kagabi, ah."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at dumaloy ang libo-libong boltahe sa katawan ko.

Mabilis ko siyang tinulak, "Imbento ka. Alam naman nating parehas lang tayong natulog dito sa dorm mo kagabi."

Tumawa siya at kaswal na tumayo mula sa sahig na kinabagsakan niya. Humikab siya at inayos ang polo na suot niya. Nilihis ko pa ang tingin ko nang makita ko na 'yung cylings niyang suot.

"I'm surprised." 

Napalingon ako nang bigla siyang magsalita at naabutan ko siyang titig na titig sa akin.

"For a straight girl, you didn't even look disgusted when I tried to hit on you earlier. In fact, you look disappointed."

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at tumayo sa gilid ng kama. Nanatili lang akong nakasandal sa headboard at inaabangan ang sasabihin niyang sunod.

"Tell me the truth, baby. You like me too."

Bumuntong hininga ako at tinignan siya diretso sa mga mata niya. Ang lalim ng mga titig niya na parang kinakalkal niya ang buong pagkatao ko sa simpleng tingin niya palang. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong at tsaka sa mapupula niyang labi. 

Napalunok ako at ibinalik ang mga titig ko sa mga mata niya.

I like you too, Dean.

Pero hindi pwede.

"I don't know what you're saying." I said and sprung up from the bed. Kinuha ko na ang mga gamit ko at naglakad na tungo sa banyo.

"Is it really that hard to answer yes or no?" pahabol niya pang tanong. 

Napatigil ako sa paglalakad habang bitbit ang damit ko at tuwalya ko. Huminga ako nang malalim at inikot ang mga paa ko sa tungo sa kaniya.

"Can you stop being a nuisance? Hindi lahat ng babaeng makakasalamuha mo, may gusto sa'yo."

Dumiretso na ako sa banyo at sinara na agad ang pinto no'n. Iniwan ko siya roon nang hindi na iniintay ang sunod niyang isasagot.

Napahawak ako sa dibdib ko at nilapat ang kamay ko sa may pader bilang suporta.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now