Secret 23: The Mission

675 41 30
                                    

CHRISTEUR

"Naiintindihan niyo ba?" tanong sa amin ni Kyle. Tinitigan niya kami isa-isa at kaniya-kaniya naman kaming tango. This is my first mission with them as part of their group na involved sa Utopia. 

"Meeting adjourned. Perfecto Lounge. 11am." Kyle repeated our rendezvous as she stands up and picks up the papers pinned at our deductions board. Sinundan ko naman agad ng tingin si Dean nang bigla siyang tumayo at tinulungan si Kyle sa pagliligpit. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero ang clingy ni Dean kay Kyle ngayon. 

"Nag-away ba kayo?" pabulong na tanong sa akin ni Finn. Tumango nalang ako nang hindi siya nililingon. Bahagya namang umusod si Tris sa amin at sinadyang tumabi sa akin. Hawak niya 'yung phone niyang nakakadena na ata sa katawan niya. Nakaguhit ang ngisi sa kulay cinnamon niyang mga labi at maloko rin ang kulay abo niyang mga mata. Hinawi niya ang buhok niyang hindi nakasama sa messy bun at inipit sa tenga niya.

"Sabi na nga ba't hindi rin kayo magtatagal." pang-aasar niya pa. Napailing-iling nalang ako sa tinuran ni Tris at tumayo na. Nag-unat ako ng katawan at sinulyapan muli si Dean. Nilingon ko si Finn.

"Uuwi muna ako sa Condo." saad ko. Ngumiti naman siya at tumango. Napansin ko ang pigura ni Dean na nakaharap sa direksyon ko pero hindi ko nalang 'yon pinansin at lumabas na. When I said the "condo" word, baka naalala na naman niya 'yung naabutan niyang pwesto naman ni Ramil. Isang araw na kaming hindi nagpapansinan. Isang araw na! 

Hindi ko gawaing maghanap-hanap ng presensya ng isang babae pero iba si Dean. Nung malaman ko lang na nagselos siya, at hindi sinagot ang tawag at mga texts ko, para na akong mababaliw. These feelings are all foreign to me at wala akong alam para maresolba 'tong nararamdaman ko ngayon. I feel so gay.

"Are you okay, youngmaster?" salubong sa akin ni Ramil pagkarating ng Condo. Imbes na sagutin siya, sinamaan ko lang siya ng tingin. Humagalpak naman siya ng tawa. Napailing nalang ako. Dati hindi naman siya ganiyan mang-asar pero simula ata nung naging si Clandestine ako at marami siyang alam sa buhay ko sa University of Delilah, ang lakas niya nang pikunin ako. Dumiretso nalang ako sa kusina at kumuha ng tubig. Baka kahit papano, kumalma ako.

My eyebrow twitched when I remembered something.

"Hinanda mo na ba ang mga gagamitin mo mamaya para sa misyon, Ramil?" I said sarcastically. He smirks and nods his head thrice. 

"Of course." pahabol niya pa.

I clicked my tongue and placed my glass in the counter. I look at him over my shoulder.

"Ayusan mo na ko." utos ko sa kaniya. Nawala naman 'yung mapaglarong ngiti niya at tumikim. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa likod at isa naman sa gilid niya. Wala siyang sinabi para tumugon subalit iginaya niya ako papuntang kwarto. Sumunod lang ako sa kaniya at ako na ang nagsara ng pinto.

"Time to make you a man again." 

Napasinghal nalang ako sa sinabi niya. 

****

DEAN

Sinipat ko pa ang sarili ko sa salamin ng phone ko parua mas sigurado na ayos akong tignan sa disguise. Our mission is to infiltrate our sister school, University of Samson,  in order to determine who's the culprit behind the malfunctioning system. 

Nung una kasi, ang akala ng lahat, nagkataon lang na nawawalan ng power source o nabubura ang ilang mga data sa database nila rito. But finally, they have come to a conclusion that someone or some people might be manipulating it to their advantage. 

Pero hindi lang 'yon ang twist sa misyon na 'to. 

 All boys school kasi ito at lahat kami, para makapasok sa eskwelahan, dapat magpanggap na lalaki.  

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now