Secret 31: Prisoner

286 14 2
                                    

Warning: Includes a sexual scene between two girls.


DEAN

"Chemical, anong oras ka pa ba uuwi? I'm really bored." pagmamaktol ko sa may telepono. Narinig ko ang mahinihin na tawa ni Tris sa kabilang linya.

"Come on, Dean. Magkasama lang tayo kaning umaga. Don't worry. I'm on my way home. Just wait for me. I  love you." saad ni Tris. I made a sound of whimper.

"I love you too." tugon ko at ibinaba na ang tawag. Ang pait ng panlasa ko. 

Napasalampa ako sa may sofa at napatitig sa kisame. 

How long am I going to stay here? Kailan ba ako makakaalis sa bilangguang ito?

Pumikit ako at pinatong ang braso ko sa mga mata ko. It's been a month since everything happened. Isang buwan narin akong nakakulong dito sa bahay na 'to, pati narin sa utak ko. Every time I close my eyes, all I see is the face of the one who broke my heart.

Clandestine Lorraine Suarez.

Napatawa ako nang mahina.

"Guess I cannot call him that anymore. His real name is Christeur." I whispered in the air. Napahawak ako sa dibdib ko at nagsimula nang mamuo ang lungkot dito sa dibdib ko. Ang sakit parin pala. Parang gusto ko nalang na maging bangungot ang lahat.

Bumangon ako at umupo sa may sofa. I opened the television with the purpose of distracting myself from these thoughts. Bawat araw na lumilipas, parang impyerno sa akin. Wala akong mapunta kung hindi rito lang sa bahay na 'to. Dito kung saan ako ikinulong ni Tris. 

Tumayo ako at hinayaan lang na nakabukas ang T.V. Para narin magkaroon manlang ng ingay sa paligid. The house was not really that big. It's just a trailer in the middle of a forest. Kulay itim ang vynyl tiles sa sahig at kulay beige naman ang mga pader. Lahat ng furnitures dito ay gawa sa kahoy. May hammock sa may labas na minsan kong tinatambayan at may second floor na ang nakalagay lang ay ang higaan na pinagsasaluhan namin ni Tris tuwing gabi. 

This place  is like a rest house, except that I'm not really enjoying the leisure that this offers me. Pagod na ang utak ko kakaisip. I am alone here with my thoughts, and that shit bothers me the most.

Inabot ko ang baso at nilagyan ito ng tubig. Mabilis ko itong ininom at pinatong sa lababo. Lumakad ako pabalik sa may sala. Sa gitna ng aking paglalakad ay napatigil ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. 

Nakasuot ako ng oversized na white shirt at itim na jersey. Maikli na ang light brown kong buhok. Nagkaroon na ng itim ang ilalim ng aking mga mata. The mischievous stare that my heterochromia eyes have exists no more. Blangko nalang ang mga titig ko at parang nawalan na ng gana sa buhay. Napapikit ako at sinermunan ang sarili. 

"Malapit na siyang umuwi." saad ko at dinilat ang aking mga mata. Ginala ko ang paningin sa paligid. Bumuntong hininga ako nang masulyapan ko ulit ang maliit na ilaw na nagmumula sa CCTV. Hindi ako makakilos nang maayos dahil nakabantay parin sa akin si Tris. Wala parin siyang tiwala sa'kin. Buti nalang wala siyang tinanim na sound recorders sa paligid. 

Naglakad na ako patungo sa sala at humiga nalang ulit sa sofa. Blangko kong tinitigan ang T.V at nilipat-lipat ang mga channel. Bilang lang sa sa mga daliri ko ang pwede kong panuoran.

Blood of the Last HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon