Chapter 15: The Advice

291 17 1
                                    

-15-

 Mira's POV

I woke up to the alarm of my phone. I slowly opened my still heavy eyes and looked around. Dun ko lang napansin na naka-higa ako sa may sofa bed kaya mabilis akong bumaling sa magkabilang gilid pero hindi ko nakita si Xander. I was alone in the room, pero nakita ko na ang mga naka-handang gamit niya sa gilid. Good thing I prepared mine before I went to sleep.

But wait, how did I got in here? Nalaglag na naman ba ako?

Dahan-dahan akong bumango saka nag-punta sa bathroom para ayusin ang sarili ko. When everything is fine, I made my way out of the room. Saktong pababa na ako ng hagdan nang maka-salubong ko si Xander na paakyat.

"Gising ka na pala."

"Yeah."

"C'mon, let's eat. There were waiting for you."

Sinabayan ko siyang bumaba at nakita ko ang mag-asawa na nag-hahanda ng almusal.

"Magandang umaga po." bati ko sa kanila

"Magandang umaga din po mam." bati din sa'kin pabalik ni Mang Jaime. Nginitian naman ako ni nanay Nenita.

Tinulungan pa namin silang ihanda yung iba. Pinag-hatak ako ng upuan ni Xander kaya dun ako umupo at tumabi din siya sa'kin. Then he pushed a cup of hot choco infront of me. I smiled before I murmured 'thanks' to him.

Nag-luto ang mag-asawa ng fried rice, tocino, hotdogs, eggs and even tinapa. 

"Kumain po kayo ng marami Mam, Ser. Mahaba haba po ang byahe niyo at makakatipid po kung dito na kayo kakain ng marami." sabi ni Nanay Nenita.

"Maraming salamat po sa pag-kain." sabi ko

"Salamat ijo sa pag-tulong ha?" sabi ni Mang Jaime

"Masaya po akong makatulong."

Kinuha ni Mang Jaime yung isang bowl ng fried rice at mukhang sasalinan ako. Mabilis ko naman kinuha at sinabing ako na lang.

"Tikman mo 'yan ija. Luto ng kasama mo."

Tinignan ko si Xander at nginitian niya lang ako. Inalalayan niya rin ako sa pag-kuha ng mga ulam.

Unang subo ko pa lang sa rice when he asked, "How was it?"

Ngumuya muna ako ng onti bago sumagot, "Hmm, nadala sa seasoning."

"It's all natural Mira so don't play bluff with me."

Inirapan ko siya, "It's just a fried rice, Xander. Dapat ulam talaga."

Xander just exhaled on what I said. Totoo naman kasi diba? He should try heavier viand like Menudo, Kare-Kare and the like. Napa-iling naman ang mag-asawa sa pinag-sasabi namin.

The hearty breakfast continued just like that. After the meal, I initiated to wash the dishes pero nag-pumilit si Xander. So, I let him do the washing. Ako naman, umakyat sa kwarto para i-double check kung may mga hindi pa ako nahanda. Pag-katapos, dumiretso na akong maligo at nag-handa na paalis.

Pa-isa isa kong inilabas ang mga luggage. Dahan-dahan ko ibinaba ang mga luggage nang makita ako ni Mang Jaime. Dali-dali siyang pumunta sa'kin at tinulungan ako.

"Naku mam, dapat ho tinawag niyo ako."

"Ako na po Mang Jaime."

"Hindi po. Tulungan ko na ho kayo."

Wala na akong nagawa nung kinuha niya sa mga kamay ko yung bitbit ko. Bumalik naman ako sa itaas para kunin yung iba at nandun ulit si Mang Jaime para ibaba sa salas yung mga dala-dala ko.

Bestfriends with Promises II [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon