Kabanata 4

556K 21.7K 6.7K
                                    

Kabanata 4: Liar

Nanatili kami sa loob ng resto since wala naman gaanong customer. Hindi na rin kumibo si Jean na ngayon ay nakatutok na sa kanyang cellphone. Nag-reply na rin si kuya Led na papunta na raw sila nila mommy at daddy pero mukhang matatagalan pa sila since masyado raw traffic.


"Akala ko ayaw mong sumabay?" Tanong ko kay Jean na nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.

Hindi ito kumibo. Kinuha ko na lang muli ang aking cellphone saktong biglang dumating si Blaze. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ryde na hindi nya kasama.

Umupo ito sa kaninang pwesto nya. "May pupuntahan pa raw si Ryde." Biglang sinabi nito na parang nabasa nya ang nasa aking isipan.

Tumango na lang ako bago ibinalik sa screen ng cellphone ang aking atensyon. Baka naman may kikitain na naman siyang babae. Sana lang ay huwag nyang makalimutang wala na siyang condom.

Ramdam ko ang titig ni Blaze sa akin kaya hindi ako makapag-focus sa nilalaro ko. Nanginginig ang kamay ko at halos hindi ko magawang ikilos ang mga daliri ko.

Bakit ba sya nakatitig?

"Ah, may sundo ba kayo?" Bigla nyang tanong na bahagya ko pang ikinagulat.

"Y-Yes, papunta na rin si Kuya Led." Sagot ko na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone. Kahit na anong higpit ng hawak ko ay dumudulas pa rin ito. Nanginginig ako. Ganito pa rin ang epekto sa akin ng lalaking ito.

"You okay?" Tanong nya. Iniwas ko ang aking kamay nang aktong hahawakan nya ito.

Tumikhim ako bago ibinalik sa aking bag ang cellphone. Baka mabasag ko lang ito. Sinulyapan ko si Jean na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa kanyang cellphone. Ano bang pinagkakaabalahan niya?


"Chelsea?" Tawag ni Blaze.

Kinalma ko ang sarili ko bago humarap kay Blaze. Nag-aalala ang mga mata nito kaya parang gusto ko itong takpan. Nahihirapan ako sa ginagawa at ikinikilos niya.

Natatandaan ko lahat ng sinabi nya sa akin, mga salitang nanakit at patuloy na nananakit sa akin. Mga salitang gusto nyang pumutol sa ugnayan namin dahil sa dahilan na hindi na raw niya ako mahal pero ba't ganon? Ang labo nya.


"Nanginginig ang kamay. Okay ka lang ba?"

Napansin ko nga ang panginginig ng kamay ko kaya ibinaba ko ito sa aking lap para hindi nya makita. "I'm okay, Blaze." Matabang kong sagot.

After all the pain you've given to me, after all those tears I cried every night while whispering your name? "I'm okay." Muli kong sagot.

Huminga ito ng malalim. "I'm sorry." He said.

Kumunot ang noo ko. "Sorry for what? Oh, well. It's nothing. Kalimutan na natin 'yon." Sagot ko.

"I am really sorry."

"I said it's nothing! Bakit ba lumalapit ka pa sa akin? Dahil ba mahal mo pa rin ako? Gusto mong makipagbalikan? Kung wala roon ang sagot mo pakiusap, Blaze, maaari ka ng umalis."

Alam kong nagiging bastos ako pero nahihirapan akong magpanggap sa harap nya. Gusto kong magpanggap na kaya ko pa syang harapin sa kabila ng lahat pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang nakikita sya sa harapan ko.

I don't want to look like a pathetic ex-girlfriend crying and begging for him to love me back again. I've done that many times that I lost count. I'm so tired with the same old scene.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon