Kabanata 7

465K 19K 6.3K
                                    

Kabanata 7: Earth

Hindi ako lumingon. Pinilit kong huwag bumalik. Hindi ko na narinig ang kanyang boses hanggang sa pinakahuling pag-apak ko sa roof deck.

Habol-habol ko ang hininga ko. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang talikuran si Blaze pero masaya ako. Masaya akong nakayanan kong 'wag pangunahan ang nararamdaman ko.

"You okay?"

"Oh, Light!" Tumawa si Light dahil sa panggugulat nya. "You startled me." I rolled my eyes.

Dumiretso ako ng lakad. Naabutan kong may kausap sa cellphone si Kuya Led na nakatalikod sa akin. Nag-aayos naman ng table si Jude at may ilang lalaki rin silang kasama.

"Are you staying here for good?" Napalingon ako sa kabilang lamesang nakaayos na. Nakaupo do'n si Jean kausap ang babaeng kasama ni Jude.

Umupo ako sa tabi nila. Ngumiti ako sa babae nang mapatingin ito sa akin. Saktong kakarating lang din ni Blaze na dumiretso lang sa mga boys. Hinubad nito ang long sleeve nya. Puting tshirt na lang ang suot nya at slacks.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko ay girlfriend ka ni Jude." sabi ni Jean na ikinalingon ko.

"Hindi mo sya boyfriend?" I asked. Umiling ito kaya bahagyang gumalaw ang kulot nyang buhok. Kung susuriin ay mahinhin ito at tahimik. Halatang hindi gaanong mahilig sa ganitong kasiyahan.

"Half brother nya si Jude," sabi ni Jean na ikinabigla ko. "Last month lang din niya nalaman na anak pala sya sa labas ng kanyang daddy." kwento pa nito.

Napansin kong hindi sya gaanong komportable na pag-usapan ang ganito.

"It's my first time here in Philippines, actually. Pero nakakaintindi ako ng tagalog dahil sa parents ko na pilipino." Mahinhin niyang sinabi. May foreign accent ang pagsasalita nito. "Irene." inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.

"Chelsea." inabot ko ang kamay nya. Malamang na nagkakilala na sila ni Jean dahil kilala ko ang babaeng 'to. Malamang na kanina nya pa kinakausap si Irene.

Napatingin kami sa pinto nang biglang umingay. Pumasok si Trisha na may bitbit na ice box. Tumatawa ito. Sumunod sa kanya si Ryde na nakangisi, katulad ni Trisha ay may dala rin itong ice box.

"Ba't ang tagal nyo?" inis na tanong ni Kuya Led. Lumapit ito sa mga ice box at chineck ang laman ng mga ito.

"Nahirapan kaming itago ang mga 'yan papasok dito. Agh! Ang sakit ng balikat ko." Marahas na tinanggal ni Ryde ang kanyang tshirt. Nakasandong itim na lang ito.

Lumapit sa amin si Kuya Led at inilapag sa tabi namin ang isang ice box. Binuksan ko 'yon at tama ang hinala ko. Mga softdrinks and juice lang 'yon!

Napansin ko ang paninitig ni Blaze kay Trisha na nagtatali ng buhok.

"Hindi mo ba kami bibigyan kahit isa lang?" I asked. Umiling si Kuya Led.

"Nope." simpleng sagot nito bago muling pumunta sa table nila.

Lumapit sa amin si Trisha at umupo sa tabi ko. Narinig ko pang minura ni Kuya Led si Ryde.

"Hi!" Masayang bati ni Trisha sa amin.

Nakita ko ang pasimpleng pag-ismid ni Jean. Nakipagkilala si Trisha kay Irene. Nakita ko rin ang pasimpleng pagsulyap nya kay Jean na sumisimsim sa juice.

"Saan kayo galing?" bigla kong natanong.

"Ah? Ewan. Basta bumili kami ng mga bagay na ito sa kung saan," turo nya sa mga ice box. "Natagalan kami dahil kay Ryde. May pinuntahan pa kasi sya." napatango na lang ako.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon