Kabanata 32

390K 16.1K 7K
                                    

Kabanata 32: Goodbye

Bumagsak muli ang balikat ko dahil hindi ko na naman sya naabutan. Ilang araw na ganito lagi ang eksena. Kung hindi ko sya maabutan sa building nila ay may kausap naman sya. Bumaba na ako ng building nila kung saan nakaabang si Jean.

"Wala na naman? Hays." Umayos ito ng tayo at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

"Ba't parang iniiwasan ako ni Ryde?" Hindi ko maiwasang mapatanong habang papunta kami sa cafeteria.

Hindi ko 'yon maiwasang isipin.

"Bakit naman? May ginawa ka na naman bang hindi maganda sa kanya?"

"Huh? W-Wala."

Pagkarating namin sa cafeteria ay mabilis na pumila kami para bumili ng pagkain. Pareho kami ng in-order ni Jean, as usual. Matapos no'n ay humanap kami ng bakanteng lamesa at do'n pumwesto. Ganado si Jean habang ako ay halos hindi makakain.

Mukhang hindi ko na talaga sya makakausap ngayon. Wala akong magagawa kundi ang hintayin ang lunes kung kailan ang retreat namin. Imposibleng hindi pa magtagpo ang landas namin dahil konti lang kami no'n.

"Anong dadalhin mo sa retreat?" Tanong ni Jean habang kumakain.

Napaisip naman ako, "Damit lang at iba pang importante." Sagot ko. Hindi naman namin kailangang bumili ng mga pagkain dahil nagbayad na kami para ro'n kaya sila na ang bahalang mag-provide.

Napangiwi na lang ako nang maalala na hindi pa pala ako nakakapag-ayos ng gamit. Naging busy kasi kami this week dahil sa final examinations at ngayong tapos na ay makakahinga na kami ng maluwag. Kailangan na lang hintayin ang results.

Sumimsim na lang ako sa tubig. Nasayangan ako sa pagkain na hindi ko man lang halos nagalaw.

"Bawal talagang magdala ng gadget? Kahit na cellphone lang?"

"Pwede naman pero pagkarating natin do'n ay kukulektahin din at itatago. Bawal ang kahit na anong maaaring maging distraction sa atin."

Wala naman silang kailangang ipangamba dahil may mga guard at secured ang lugar na 'yon. Ang kailangan na lang siguro nilang problemahin ay ang mga girlfriend/boyfriend nilang hindi mabubuhay sa isang araw kung hindi sila makakapag-text.

Matapos no'n ay dumiretso na ulit kami sa building namin. Kumunot ang noo ko nang makitang nakakumpol sila sa isang desk. Pinaliligiran nila ang isa naming kaklaseng babae.

"Nanliligaw ba sa'yo si Blaze?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig 'yon. Napalingon ako sa kaklase naming babae na sobrang pula ng mukha. Halatang kinikilig ito.

"H-Huh? H-Hindi."

"Eh bakit hinatid ka rito ni Blaze? Come on, Erish. Don't lie to us!"

"Why so lucky? Isang Abelard 'yon!"

Hinila na ako ni Jean paupo sa aking upuan. Kimuha ko na lang ang cell phone ko at inabala ang sarili ko ro'n. Pinilit kong hindi pakinggan ang mga boses nila kahit na nagsisigawan na sila.

I am not affected. Pinilit kong isipin 'yon kahit na taliwas ang sinasabi ng ibang parte sa akin. Damn! Kailan ba ako matututo? Why does moving on have to be this hard? Bakit ba kung gaano kadali ang mahulog ay ganon naman kahirap ang bumangon? Damn. This. Love.

Natapos ang isang subject na parang wala man lang akong narinig sa sinabi ng prof namin. Tinanong ko si Jean kung ano ang nangyari at ang sabi nya ay wala naman. Nagpaalala lang ang prof namin tungkol sa retreat na mangyayari.

"Hindi na ako magsasalita ng kung ano ang gagawin mo," biglang sabi ni Jean habang pababa kami sa building namin. "May utak ka, gamitin mo na lang."

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon