Kabanata 33

348K 14.1K 3.3K
                                    

Kabanata 33: Scared

I looked at my reflection on the mirror. Halatang-halata ang sugat sa labi ko na ginawa ni Ryde. Hindi na gaanong namamaga ang mata ko gaya ng kanina at kahit papaano ay humupa na ang nararamdaman ko. Yumuko ako para maghilamos. Dumampi ang malamig na tubig sa mukha ko na mas lalong nagpagaan sa init ng katawan ko.

It's funny how things for him suddenly changed. He used to be the heart breaker and the reason behind the tears but now, he was the victim. He was the one who had rejected, he was the one who had shed tears. Ryde Leibniz... I'm sorry.

"Chels?" I heard Jean knocked on the door.

Pinunasan ko ang mukha ko ng malamig na towel. Inayos ko ang medyo nagulo kong buhok gamit ang daliri ko bago naglakad papunta sa pinto. Pagpihit ko no'n ay si Kuya Led ang agad na bumungad sa akin. Nasa likod nya lang si Jean. Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba.

"K-Kuya..."

"You okay?" Tumaas ang dalawa nyang kilay. Bumagsak ang tingin nya sa labi ko dahilan ng pagkunot ng kanyang noo. "Who did that?"

Nilagpasan ko sya. Dumiretso ako sa cabinet ko para maghanap ng damit. Kakapalit ko lang kanina pero pakiramdam ko ay malagkit na naman ako. Ramdam kong nakasunod sa akin ang tingin ni Kuya Led kaya hindi ko magawang lumingon.

"Akala ko bukas na kayo makakauwi?" Tanong ko nang hindi man lang sumusulyap sa kanya.

Hindi ko rin gaanong mapagtuonan ng pansin ang paghahanap ko ng damit. Masyado akong kabado sa mga titig na ibinabato nya sa akin.

"Someone texted me... What happened here?"

Nilakasan ko ang loob kong tumingin sa kanya. Naabutan kong nakatingin sya kay Jean na mukhang natataranta. "Nadulas si Chelsea!" Napalakas ang pagkakasabi nya no'n dahil sa kaba. "Hinalikan nya ang sahig." Dugtong pa niya. Ngumiwi ito sa akin kaya napailing na lang ako.

Bumalik sa akin ang tingin ni Kuya at alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ni Jean. Hindi naalis sa akin ang tingin nya kaya alam kong naghihintay sya ng sagot sa akin. Kinalma ko ang sarili ko para hindi sya makalahata.

"Nadulas ako, Kuya." Pinanindigan ko na lang ang sinabi ni Jean. I lied again but I know it will not work now. Hindi kapani-paniwala ang rason namin. Agh!

"Tell me what happened." Napalunok ako sa sobrang lamig ng pagkakasabi nya no'n. He really didn't believe. Sino bang niloko ko? He knows me well. Alam nya kung kailan ako hindi nagsasabi ng totoo.

Mukhang wala akong pagpipilian ngayon. Alam kong mas magagalit lang sya pag nagsinungaling pa ako. Nilakasan ko ang loob kong magsalita.

"M-May masamang loob na nakapasok dito..." Paunang sinabi ko at hindi nya 'yon nagustuhan dahil sa pagbali nya sa kanyang leeg. "I forgot to lock the door. Buti na lang dumating si Ryde. He helped us." Sinubukan kong huwag ng dugtungan 'yon dahil nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

Napaatras si Jean nang sipain ni Kuya ang maliit na lamesa sa gilid nito na bumasag sa katahimikan.

"Fuck!" He cursed. Mabilis na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso para pakalmahin ito. Nanginginig ang kamay ko at ramdam ko rin na ganon din sya.

"I-It's okay, Kuya." Sinubukan kong patahanin ang galit sa loob nya.

"No!" Nakita ko ang galit sa kanyang mata na animo'y nag-aapoy. Lumunok ako dahil natatakot na rin ako sa kanya. "This is all my fucking fault!" Hinawakan nya ang pisngi ko. "I'm sorry, my princess." He whispered.

I smiled at him. Gusto kong umiyak sa harapan nya dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero ayoko nang dagdagan ang pag-aalala nya sa akin.

"Siya rin ba ang gumawa ng sugat sa labi mo?" Namaos ang kanyang boses.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon