Kabanata 38

352K 14.1K 4.6K
                                    

Kabanata 38: In Love

I was stunned for a moment. Ang kaninang nakangising labi niya ay napalitan ng pandidiri. She heard everything and I know I am doomed. Ayokong may makalaam ng kung sino tungkol dito at kung malalaman man nila ay gusto ko sa akin mismo manggagaling.

"You are in love with him..." Mahina siyang tumawa. "You are in love with Ryde."

"And you're not going to tell anyone about this..." Sinubukan kong bigyan ng diin ang mga sinabi ko para kahit papaano ay masindak siya ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon niya.

Malakas na tumawa ito. Sa lahat ng makakarinig sa akin... Ba't siya pa? It would be better kung si Ryde na talaga ang nakarinig sa akin para hindi na ako mataranta ng ganito.

Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad pabalik. Hinabol ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahil ang napanghawak ko ay ang braso kong nasaktan kanina dahil sa pagtulak sa akin ni Blaze ay nabitawan ko rin ito. Ngumiwi ako nang manumbalik ang hapdi mula rito.

"Paula Reloz! Don't you dare..."

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Umangat ang isang kilay nito. "Ako na ang magsasabi ng mga bagay na hindi mo masabi. You have to thank me for this." She smiled devilishly.

Sinubukan kong humabol pero tumakbo siya. Tumakbo rin ako pero hindi naging sapat 'yon para mahabol ko siya. Mas lalong lumaki ang pangamba sa dibdib ko. Unti-unting bumabagal ang takbo ko hanggang sa naglakad na lang ako. Hindi ko maiwasang mataranta.

Paano kung malaman niya? Walang masama dahil totoo naman 'yon. Pero ang gusto ko ay sa akin mismo magmula ang mga 'yon.

Pagkabalik ko sa loob ay naabutan ko ang mga kasama namin sa malawak na terasa. May hawak na gitara ang isa sa kanila at kumakanta naman ang iba. Mabilis na hinanap ng mata ko si Paula ngunit si Jean lang ang sumalubong sa akin.

"Saan ka galing? Hindi ka gutom?" Paunang tanong ni Jean. Umiling ako habang ginagala ang tingin ko.

"Si Paula?" Tanong ko sa kanya.

Naguguluhang tumingin naman sa akin si Jean. "Ano na naman ang ginawa ng babaeng 'yon?" Nag-iba agad ang mood niya nang marinig ang pangalan na 'yon.

"Are you looking for me?" Biglang lumabas si Paula.

Nakataas ang dalawa niyang kilay habang may hawak na dalawang stick ng marshmallow. Inabot niya ang isa sa akin. Tinanggap ko 'yon na mahina niyang ikinatawa.

"Why did you do to her? Ugly witch!" I stopped Jean from attacking Paula. She gave me a confused look. "What?" Naguguluhan na talaga siya sa ikinikilos ko.

Kumapit sa braso ko si Paula. Gusto ko mang alisin ang pagkakalingkis niya sa akin ay hindi ko magawa. She's starting to blackmail me... I know. I have to be careful. Kailangan ko na ring maging mabilis na umamin kay Ryde para hindi na niya iyon magamit laban sa akin.

"We are already friends, Miss Jean Dion Remez. You have a problem with that?"

Ang akala ko ay magagalit si Jean ngunit kabaliktaran no'n ang naging reaksyon niya. She smiled, "But I am the best among her friends. I know her darkest secret..." Ngumisi ito sa amin.

Kumunot ang noo ko.

"I know her secret too..." ganti ni Paula.

Mabuti na lang at maingay ang mga kasama namin na kumakanta at nagtatawanan para marinig at mapansin na nagkakainitan na kami rito.

"Secret? That she's already in love with Ryde?" Natigilan sa pagtawa si Paula dahil sa sinabi ni Jean. Maging ako ay bahagyang nagulat. "Bago mo pa malaman... Bago niya pa malaman..." Tukoy niya sa akin. "Alam ko na. Well, I am her bestfriend anyway." Mahinang tumawa si Jean.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon